DFA: 79 Pinoy overseas may COVID-19

DFA: 79 Pinoy overseas may COVID-19

September 14, 2021 @ 9:10 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nadagdagan pa ng 79 kaso ng nagpositibo sa COVID-19 sa hanay ng mga Pilipino sa ibang bansa, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Dahil dito, sumipa sa 23,115 ang kabuuang COVID-19 cases, habang nadagdagan din ng anim ang nasawi dahilan para umabot na sa 1,382 ang total death toll sa mga Pilipinong nasa ibang bansa.

Umabot naman sa 13,328 ang nakarekober sa virus, habang nasa 8,405 Pinoy abroad ang ginagamot pa.

Ang Middle East/Africa nakapagtala ng pinakamaraming Pinoy na nahawa sa 12,998 na may 925 patay at 6,586 recoveries.

Ang Asia Pacific Region ay nakapagtala naman ng 5,430 infections kabilang 79 patay at 3,520 recoveries.

Sa Europe, 3,651 Filipinos ang nahawa sa virus kung saan 130 patay at 2,562 ang nakarekober.

1,036 cases. 248 patay at 660 recoveries ang naitala naman sa Americas. RNT


  •  
  •  
  •