DFA: Alert Level 4 sa Myanmar mananatili

DFA: Alert Level 4 sa Myanmar mananatili

July 28, 2022 @ 11:48 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Miyerkules na patuloy nitong paiiralin ang Alert Level 4 sa Myanmar sa kabila ng apela ng mga Pilipinong manggagawa sa Yangon na paluwagin o alisin ang travel restrictions sa bansa.

“The DFA acknowledges the concerns of OFWs wishing to return to Myanmar despite the uncertainty and danger posed by the ongoing crisis. However, the safety and security of every single Filipino overseas remain the top priority of the Philippine government,” pahayag ng departmento.

Ilang OFW din sa Myanmar na nais nang bumalik sa trabaho ang naghain ng dalawang petisyon sa DFA noong November 2021 at Hunyo 2022 upang alisin ang alert level tat payagan sila na makabalik sa kanilang mga pamilya sa gitna ng pagbuti sa sitwasyon sa Yangon.

Itinaas ng DFA sa Alert Level 4 ang Myanmar noong Mayo 2021 dahil sa kaguluhan doon dulot ng pag-takeover ng militar sa pamahalaan. Sa ilalim ng alert status, tungkulin ng pamahalaan ng Pilipinas na magpatupad ng mandatory evacuation sa mga Pilipino doon.

Inihayag din ng ahensya na sa kabuuan ay 701 Pilipino– o halos 60% ng kabuuang populasyon ng mga Pinoy sa Myanmar– ang napauwi na.

Inabisuhan naman ng DFA ang OFWs sa Myanmar na limitahan ang non-essential activities, umiwas sa public places, at maghanda para sa paglikas. RNT/SA