DFA: Alituntunin para sa joint patrols sa WPS, pinaplantsa na ng Pinas

DFA: Alituntunin para sa joint patrols sa WPS, pinaplantsa na ng Pinas

March 2, 2023 @ 7:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Iniulat nitong Huwebes na nasa proseso na umano ang Pilipinas sa paglikha ng mga alituntunin sa maritime activities, kabilang ang joint patrols sa West Philippine Sea sa gitna ng aksyon ng China sa rehiyon.

Nauna nang inihayag ng Philippine defense officials na nakikipag-usap ito sa United States at Australia sa future joint patrols sa South China Sea, na kapwa inaangkin ng China, Pilipinas, Vietnam, Malaysia, Brunei at  Taiwan.

“GPH (Government of the Philippines) is in the process of crafting guidelines for the conduct of combined maritime activities in the WPS, including joint patrols,” anang Department of Foreign Affairs (DFA).

“Operational details, including on the possibility of engaging other regional partners, will be part of PH-US discussions within the framework of the MDB-SEB,” dagdag nito, na tinutukoy ang annual Mutual Defense Board-Security Engagement Board sa US.

Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang DFA, kagaya ng mga kalahok na bansa at mga lokasyon ng patrol. RNT/SA