DFA: Appointment slots, sarado muna

DFA: Appointment slots, sarado muna

June 16, 2018 @ 12:50 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Nag-abiso ang Department of Foreign Affairs ngayong Sabado na wala munang appointment slot ang bubuksan.

Ito ay dahil sasailalim muna sa maintenance at upgrade ang kanilang server.

Sa inilabas na advisory ng DFA, sa Lunes – June 18, 2018 mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-9 ng gabi pa magbubukas ng appointment slot ang DFA-Office of the Consular Affairs.

Matatandaan nitong nakaraang Huwebes, nagbukas ang ahensya ng 100,000 passport application slots. (Remate News Team)