Rochelle, beastmode, inokray ang feeling sikat na aktres!

Manila, Philippines- Nag-post sa kanyang Facebook account si Rochelle Pangilinan ng patama sa isang female star. Ayon sa kanya ay pinaplastik siya nito.
sabi sa Facebook post ni Rochelle,”Napaplastikan ako sa gurl, ba’t ganern… feeling sikat na sikat ka. Ba’t ganern….
“Kapag nakaharap ako, ate ang tawag mo sa kin, kapag nakatalikod ako, same pa din kaya? Ba’t ganeeeern?!”
Siguro kaya nakapag-post ng ganito si Rochelle ay dahil may nakarating sa kanya na kung ano-ano ang sinasabi sa kanya nung female star,’di ba? Pero sino kaya ang tinutukoy niya? Siguradong nakatrabaho niya na ito at nagpakitang magiliw sa kanya. Pero isang kaplastikan lang pala ‘yun. Rommel Placente
‘Flip That’ ng LOONA namayagpag sa music show!

SEOUL, South Korea – Muli na namang pinatunayan ng sikat na Kpop girl group na LOONA na sila ay may maibubuga!
Ito ay makaraang itanghal na number 1 sa music show ng SBS MTV na ‘The Show’ ang newest song ng grupo na ‘Flip That’.
Matatandaan na nitong Hunyo 20 ay naglabas ng bagong album ang LOONA na agad nanguna sa worldwide iTunes album charts at nanguna rin sa ‘Top Album’ charts sa mahigit 30 na bansa katulad ng Finland, Malaysia, Singapore, Mexico, Brazil, Thailand, United States at Pilipinas.
Tinalo ng LOONA ang KARD at Kep1er sa ‘The Show’ makaraang makakuha ng total of 8,200 points.
Lubos naman ang pasasalamat ng grupo sa pagkamit ng kauna-unahang pagkapanalo nito sa isang music show para sa ‘Flip That’. RNT/JGC
Oath-taking ng bagong cabinet members, pinangasiwaan ni Marcos

MANILA, Philippines- Nakatanggap si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng military honors sa Malacañang Palace matapos ang kanyang inagurasyon sa National Museum of Fine Arts, araw ng Huwebes.
Kasama ng Pangulong Marcos si First Lady Liza Araneta-Marcos at ang kanilang mga anak na sina Ilocos Norte Representative Sandro Marcos, Simon Marcos, at Vincent Marcos.
Sa kabilang dako, pinangunahan naman ni Pangulong Marcos ang oath-taking ng kanyang mga Cabinet members na magsisilbi sa ilalim ng kanyang liderato kabilang na si Vice President Sara Duterte na pamumunuan ang Department of Education.
Pinangalanan naman ni Pangulong Marcos ang mga personalidad na hahawak ng mga ‘key government posts” at tutulong sa kanyang pamamahala gaya nina•:
-
Victor Rodriguez – Executive Secretary
-
Vice President Sara Duterte – Department of Education
-
Benjamin Diokno – Department of Finance
-
Arsenio Balisacan – National Economic and Development Authority
-
Jesus Crispin Remulla – Department of Justice
-
Emmanuel Bonoan – Department of Public Works and Highways
-
Bienvenido Laguesma – Department of Labor and Employment
-
Susan Ople – Department of Migrant Workers
-
Alfredo Pascual – Department of Trade and Industry
-
Erwin Tulfo – Department of Social Welfare and Development
-
Christina Garcia-Frasco – Department of Tourism
-
Ivan John Enrile Uy – Department of Information and Communications Technology
-
Benhur Abalos – Department of the Interior and Local Government
-
Jaime Bautista – Department of Transportation
-
Amenah Pangandaman – Department of Budget and Management
-
Conrado Estrella III – Department of Agrarian Reform
-
Jose Faustino Jr. – Department of National Defense
-
Clarita Carlos – National Security Adviser
-
Juan Ponce Enrile – Presidential Legal Counsel
-
Menardo Guevarra – Office of the Solicitor General
-
Felipe Medalla – Bangko Sentral ng Pilipinas
-
Anton Lagdameo – Special Assistant to the President
-
Maria Zenaida Angping – Presidential Management Staff
-
Trixie Cruz-Angeles – Presidential Communications Operations Office
Samantala, isang araw bago pa ang inagurasyon ni Pangulong Marcos ay inanunsyo na ng kampo nito na si outgoing Solicitor General Jose Calida ang uupo bilang chairperson ng Commission on Audit sa bagong administrasyon habang si Jose Arnulfo “Wick” Veloso naman ang magiging pangulo ng Government Service Insurance System.
Pinangunahan din ni Pangulong Marcos ang oath of office ng kanyang anak na si Sandro, bagong kongresista ng first district ng Ilocos Norte.
Ang iba pang lokal na opisyal mula sa Ilocos Norte ay nanumpa rin sa kanilang tungkulin sa harap ni Pangulong Marcos.
“Sinabi ko kasi kay Sandro, dalhin mo silang lahat dito kahit na papano para masabi ko naman na sinumpa ko ang aking anak na naging bagong congressman at lahat ng kasama natin dito sa Ilocos Norte,” Marcos, a former governor of the province,’ ayon kay Pangulong Marcos. Kris Jose
CHR nababahala sa ‘censorship’ ng websites, pagpapasara ng SEC sa Rappler

MANILA, Philippines- Nagbabala ang Commission on Human Rights (CHR) nitong Huwebes hinggil sa censorship at inihayag nag “grave concern” ukol sa mga naging desisyon na i-block ang ilang website at bawiin ang setipikasyon ng news organization na Rappler.
“We caution against censorship or any move similar to it, which harms press freedom and results in a chilling effect that attempts to deter free speech and liberty of association under a democracy,” pahayag ng komisyon, na tinutukoy ang desisyon ng National Telecommunications Commission (NTC)na i-block ang website ng progressive groups at news organizations na inaakusahan ni outgoing National Security Advisor Hermogenes Esperon Jr. na may kaugnayan sa “communist-terrorists,” at sa pagbawi ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa certificates of incorporation ng Rappler.
Binigyang-diin ng komisyon ang kahalagahan ng right to information, free speech, at expression ng mga indibidwal at iginiit na hangga’t hindi lumalabag sa batas ang paggamit nito ng isang indibidwal “any form of curtailment is undue and unjust.”
“Democracy thrives on the free exchange of ideas, including dissent and opposing opinions, that allows everyone to participate in shaping laws and policies for the general welfare of the people,” sabi ng CHR.
Dahil dito, umapela ang CHR sa pamahalaan na igalang at protektahan ang karapatang-pantao alinsunod sa Konstitusyon at sa international human rights standards.
“Silencing criticism and dissent only detracts from our shared goal of nation-building,” ayon sa komisyon.
“We reiterate that under a democracy the goal is to balance the respect, promotion, and fulfilment of the rights of all. Let us take part in healthy and responsive discourse with citizens across diverse sectors, as the right to truth—like the ostensible mission of journalism—must always be rooted in accountability, integrity, and objectivity,” dagdag nito. RNT/SA
9 sasakyan sa QC inararo ng trailer truck

MANILA, Philippines- Nasira ang siyam na sasakyan habang ilang motorista naman ang nasugatan nang mawalan ng preno ang trailer truck sanhi upang araruhin nito ang mga sinusundan kagabi sa lungsod ng Quezon.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Sheryl Mendoza, 38, nakatira sa No. 20 Washington St., Greenland Subd. Ph 1 Nangka Marikina City, driver ng Isuzu MU-X wagon (ACP 6215); Markus Christian Hernandez, 57, lawyer, naninirahan sa  B2 L1 Kingpin St., Vermont Royal Mayamot Antipolo City, driver ng Toyota Fortuner (ABE 1357) at Melani Atanis, 52,  residente ng No. 25 B Mejia St., Bonnie Serrano Road Libis Quezon City, driver ng Toyota Vios Sedan (TXZ 350).
Kabilang din sa aksidente sina Mark Anthony Fulgeras, 31, ng 52 B17 L9 Atlantic St., Exodus Santa Ana, Taytay Rizal, driver ng Toyota Corolla sedan (AAX 4728); Bonifacio Hular, 48, ng No. 59 Chico St., Luzon Ave., Purok 3, A Culiat, Quezon City, driver ng Mitsubishi L 300 (DAU 5037) at Darwin Pagaduan, 26, ng Bangag Cabanatuan City, Nueva Ecija, driver ng Isuzu Rebuilt Close Van (CBJ 6255),
Nasapol din ang minamanehong sasakyan nina Mario Francisco, 36, naninirahan sa 36 18th Ave., Murphy Cubao,QC. driver ng Toyota Avanza wagon (NAS 7080); Benie Sonbise, 38, gov’t employee, ng Area 1, Bukid Area St., Sta Ana Sun Valley Paranaque City, driver ng Toyota Vios sedan (XRD 115) at Alec Miguel Capco, 20, ng L1 B5 Dona Aurora, Executive Village, Santolan, Pasig City, driver ng Toyota Corolla sedan (NCL 1941).
Ayon kay Francisco, pauwi na raw sana sila  Montalban kasama niya buong pamilya pati ang anak na edad 3, 13 at 15 na nakaupo sa likuran ng sasakyan nang mangyari ang aksidente.
Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 3, bandang 10:45 ng gabi (June 29), nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng FVR Road sa harapan ng Andoks Lechon Manok sa Barangay Libis, sa lungsod.
Minamaneho ng hindi pa nakilalang driver ang trailer truck na may plakang 416 sa kahabaan ng FVR Road galing sa Col. Bonnie Serrano Ave., Â patungong Marikina.
Pagdating sa Barangay Libis nawalan ng preno ang  traT
at nasalpok ang sasakyan ni Pagaduan na naging domino effect nang magkakasunod na  magkabanggaan ang mga nabanggit na sasakyan ng mga biktima.
Nasapol naman sa nakakabit na CCTV sa lugar ang mabilis na pagbaba ng hindi pa nakikilalang driver ng  trailer truck na may plakang TEU 416 at tumakbo papatakas.
Dinala si Pagaduan at ang mga sakay niya sa sasakyan  sa Medical City Hospital sanhi ng mga tinamong pinsala sa katawan.
Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang driver ng trailer truck habang inihahanda na ang reckless imprudence resulting in damage to properties with multiple physical injuries. Jan Sinocruz