DFA chief Manalo: Multilateralism, rules-based order, suportado ng PH gov’t

DFA chief Manalo: Multilateralism, rules-based order, suportado ng PH gov’t

February 20, 2023 @ 9:56 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pinagtibay ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang suporta ng Philippine government para sa multilateralism at rules-based order sa gitna ng mga paghihirap na dulot ng iba’t ibang world issues.

Sa 59th Munich Security Conference (MSC) sa Germany mula February 17 hanggang 19, iginiit ni Manalo ang paninindigan ng Pilipinas na tugunan ang West Philippine Sea/South China Sea issue sa China sa pamamagitan ng mapayapa at legal na pamamaraan.

“Rival claims can only be solved peacefully by adhering to peaceful and rules-based approaches. The Philippine approach, articulated long before and formalized in the 1982 Manila Declaration on the Peaceful Settlement of International Disputes, enjoys the support of the international community,” pahayag niya.

Sa 18th February Main Stage Panel Discussion sa United Nations Charter and Rules-Based International Order, sinabi ni Manalo na isinusulong ng Pilipinas ang rules-based international order.

Inihayag din niya ang suporta ng international community para sa 2016 Arbitral Award cna maaaring magsilbing basehan para sa rules-based maritime regime sa South China Sea.

Isinasagawa kada taon ang Munich Security Conference (MSC) na nagsisilbing “unique platform for high-level debates on the greatest foreign and security policy challenges of our time.” RNT/SA