DFA inaalam kung may Pinoy na damay sa LA shooting

DFA inaalam kung may Pinoy na damay sa LA shooting

January 24, 2023 @ 11:20 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakikipag-ugnayan na ang Pilipinas sa Los Angeles Sheriff Department (LASD) upang alamin kung may Filipino bang nadamay sa nangyaring pamamaril sa loob ng isang dance parlor sa Monterey Park, California noong Lunar New Year.

“The latest from our post is that it has yet to receive information on whether any of the casualties is Filipino or Filipino American,” pagbabahagi ni Philippine Foreign Affairs spokesperson Tess Daza sa panayam ng GMA.

“Our Consulate General has lodged a request with LASD for this information and is awaiting the response of law enforcement.”

Sa kasalukuyan ay umakyat na sa 11 ang nasawi dahil sa nangyaring pamamaril.

Samantala, kinumpirma ng coroner’s office ang pagkakakilanlan ng dalawang babae na kasama sa mga biktima na sina
My Nhan, 65, at Lilan Li, 63 — habang ang iba ay hindi pa pinapangalanan. RNT/JGC