DFA kinukumpirma kung may Pinoy na damay sa target vessel ng Russia

DFA kinukumpirma kung may Pinoy na damay sa target vessel ng Russia

February 26, 2022 @ 5:00 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Bineberipika pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat na may mga Filipinong mandaragat ang sakay ng dalawang merchant vessels na target ng Russian warships, isang araw bago inilunsad ni Vladimir Putin ang pag-atake sa Ukraine.

“We will have this checked,” ayon kay Foreign Affairs spokesman Ed Menez.

Ang mga filipino seafarers ay kasama ng bulto ng foreign sailors sa buong mundo, lantad ang mga ito sa piracy attacks, sea disasters, at armed conflicts.

“Russian warships shelled a Moldovan-flagged chemical tanker and a Panamanian-flagged cargo ship due to load grain near Odessa port in the Black Sea,” ayon sa Reuters report.

Tinatayang mayroong tatlong non-military vessels, ayon sa report ang inatake simula nang magsimula ang Russian invasion.

“On Thursday, the Turkish-owned Yasa Jupiter cargo ship was struck off Odessa,” ayon sa report.

“In Ukraine, Philippine Ambassador to Poland Leah Basinag-Ruiz is assisting 37 Filipinos in Lviv after traveling the whole day from Kyiv to the Ukranian western city, ” ayon naman kay DFA Undersecretary Sarah Arriola.

Sa ulat, nagsimula nang uma­take ang Russia sa Ukraine matapos ianunsiyo ni Russian President Vladimir Putin na maglulunsad ito ng “special military operation” sa nasabing bansa.

Kasunod ng pahayag ni Putin ay nagkaroon ng mga pagsabog sa mga siyudad sa Ukraine kabilang ang Kharkiv sa eastern Ukraine at sa Kyiv na kapital ng bansa.

Kinumpirma rin ng Ukrainian foreign minister na naglunsad na si Putin ng isang “full-scale invasion of Ukraine”.

Ang deklarasyon ay nangyari habang nagaganap ang isang special session ng United Nation Security Council sa New York tungkol sa krisis sa Ukraine.

Napaulat na walong katao na ang namatay sa air at ground assault ng Russia samantalang siyam ang nasagutan base sa pahayag ng Ukranian Minister of Internal Affairs.

Samantala, matatandaang tinawag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, si Russian President Vladimir Putin, bilang kanyang “idol.”

“We urge all parties to exert every effort to stick to diplomatic and peaceful means to maintain international peace and security and avert a humanitarian crisis,” ayon sa kalatas ng DFA. RNT