DFA magbubukas ng 800K appointment slots

DFA magbubukas ng 800K appointment slots

September 9, 2022 @ 10:06 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagbukas ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng humigit-kumulang 800,000 passport appointment slots sa publiko sa buong bansa.

Sinabi ito ni DFA Assistant Secretary Henry Bensurto sa organizational meeting ng Senate foreign affairs committee.

Tinanong kasi ng chairman ng komite na si Senator Imee Marcos ang DFA hinggil sa mga available na slots dahil nakasaad sa website ng ahensya na magbubukas ang mga slot sa Marso sa susunod na taon.

“We are aware of the problems that have been encountered in the past. In the last six weeks from the time, I have assumed we have adopted measures both short term, medium term and long term now to address those issues of appointment,” ani Bensurto.

“We have opened the slots. We are aware that it’s a question of slots also. And so, we are continuing to open more slots. In fact, as of now, we have opened something like 800,000 slots already,” dagdag pa niya.

Aniya, ang mga available na slot sa ilang lugar ay bubuksan sa Setyembre at Oktubre, at idinagdag na magkakaroon din ng passport on wheels at courtesy lanes para sa mga senior citizen, persons with disabilities at mga buntis na kababaihan.

Bukod dito, sinabi ng opisyal ng DFA na isinusulong din nila ang pagkakaroon ng mga emergency passport.

Bilang tugon, sinabi ni Marcos na suportado niya ang mga programa ng DFA dahil mapapabilis nito ang pagproseso ng mga pasaporte. RNT