DFA: Mga Pinoy ligtas sa lindol sa Sichuan, China

DFA: Mga Pinoy ligtas sa lindol sa Sichuan, China

September 6, 2022 @ 4:36 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Martes na walang Pilipino ang naiulat na apektado ng magnitude 6.8 na lindol na tumama sa Sichuan province sa China.

Inihayag ni DFA spokesperson Ma. Teresita Daza: “Based on initial info, there are 167 Filipinos in the area. No reported Filipino affected by the earthquake.”

Nauna nang iniulat ng Chinese state media na 46 indibidwal ang nasawi sa malakas na lindol na yumanig sa Sichuan nitong Lunes. Sinasabing ang lindol ang pinakamalakas na tumama sa probinsya mula 2017.

Ang epicenter ng lindol ay naitala sa Luding town kung saan 39,000 indibidwal ang naninirahan saklaw ng 20 kilometro ng epicenter at 1.55 milyon ang saklaw ng 100 kilometro.

Inukat din ng Chinese state media na ilang daan at bahay ang napinsala ng pagguho ng lupa habang nasira rin ang linya ng komunikasyon sa isang lugar. RNT/SA