DFA, nagbukas ng 100,000 slots para sa online passport appointment

DFA, nagbukas ng 100,000 slots para sa online passport appointment

June 14, 2018 @ 12:57 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Nagbukas na ng 100,000 slots para sa online passport appointment ang Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa press briefing, sinabi ni Sec. Allan Peter Cayetano na ang unang 50,000 slots ay available na alas-12:00 ng tanghali, ngayong araw, June 14 habang ang 50,000 pa ay magiging available naman mamayang alas-9:00 ng gabi.

Bukod dito, magbubukas na rin ng 10,000 slots ang kagawaran- 5,000 sa alas-12 ng tanghali at 5,000 sa alas-9 ng gabi para sa Lunes hanggang Sabado maliban sa mga araw ng holiday.

Payo ng DFA sa publiko, maging matyaga sa pag-check ng appointment at pag-refresh ng kanilang online appointment website. (Remate News Team)