DFA nakatutok sa ulat ng stranded Pinoys sa Peru

DFA nakatutok sa ulat ng stranded Pinoys sa Peru

December 16, 2022 @ 10:41 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Iimbestigahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat na maraming mga Filipino ang posibleng naistranded sa Peru kasabay ng nagpapatuloy na kilos-protesta at gulo sa nasabing bansa.

“It is investigating reports that a number of Filipino tourists may be stranded in Machu Picchu owing to closure of the international airport in Cusco,” sinabi ng DFA batay sa natanggap nilang impormasyon mula sa Embahada ng Pilipinas sa Santiago, Chile.

Maliban dito, mahigpit din na tinututukan ng embahada nasabing bansa ang kasalukuyang political at security situations sa Peru.

Matatandaan na nag-ugat ang mga kaguluhan at protesta nang patalsikin at arestuhin ang dating pangulo nito na si Pedro Castillo, na nagresulta pa sa pitong katao na nasawi.

Nauna nang nag-anunsyo ang Peru ng 30-day state of emergency dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan.

Ayon sa DFA, mayroong 160 overseas Filipinos ang nagtatrabaho at naninirahan doon. RNT/JGC