DFA: Walang Pinoy na napahamak sa stampede sa Seoul

DFA: Walang Pinoy na napahamak sa stampede sa Seoul

October 30, 2022 @ 2:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Linggo na wala pa itong natatanggap na ulat ng mga Pilipino na nasugatan sa stampede sa Seoul, South Korea nitong Sabado.

“The Embassy is closely monitoring the situation and is in coordination with local authorities in case any Filipino national has been affected. To date the Embassy has yet to receive reports of any Filipino victim in the stampede,” ani DFA spokesperson Teresita Diaz.

Batay sa ulat mula sa National Fire Agency ng Korea, sinabi ng Philippine Embassy sa Seoul na hanggang nitong Linggo, 149 indibidwal na nang nasawi at dalawa sa kanila ang foreign nationals. Hindi naman bababa sa 76 indibidwal ang nagtamo ng sugat.

HInikayat ng DFA ang lahat ng Pilipino sa Korea na mag-ingat tuwing may malalaking events. RNT/SA