DHSUD AT DBM MAGTUTULUNGAN PARA SA PABAHAY SA MGA INFORMAL SETTLERS

DHSUD AT DBM MAGTUTULUNGAN PARA SA PABAHAY SA MGA INFORMAL SETTLERS

October 5, 2022 @ 4:40 PM 2 months ago


NAKATAKDANG pondohan ng DBP o Development Bank of the Philippines ang anim na milyong bahay ba target na matapos at maipamahagi ng DHSUD o Department of Human Settlements and Urban Development sa ilalim ng panunungkulan ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr.

 Kamakailan ay lumagda sa isang MOA o memorandum of agreement ang DHSUD at ang DBP na layong makapagbigay ng abot-kaya at disenteng pabahay para sa nasa ISFs o ang informal settlers’ families at matuldukan ang matagal ng problema sa “mass housing”.

 Batay sa datus ng World Bank, nasa 4.5 million ang bilang ng mga ISFs sa buong bansa o mga walang disenteng tahanan, kung saan ay 1.3 million ang nasa Metro Manila.

Nakasaad sa kasunduan na ang DHSUD ang siyang pipili ng mga kwalipikadong mga real estate developers at contractors’ na siyang maghahanap ng lugar para pagtayuan ng pabahay at siyang magsusumite ng mga project funding requirements.

Habang ang DBP ang siyang bahala sa developmental loan, kasama din ang pagkakaloob ng technical assistance sa mga project proponent.

Ayon sa pamunuan ng DBP, dalawa ang pangunahing problema ng pabahay sa bansa, ang affordability o halaga ng bawat housing unit, at ang mapagkukunan ng pondo.

Sanhi ng mataas na inflation rate, sinang-ayunan ng NEDA o National Economic and Development Authority ang pagtataas sa halaga ng bawat unit ng pabahay ng pamahalaan na mula P1.7 million pesos ay nasa P2.5 million pesos na.  

Bilang isang GOCC o government-owned and controlled corporation, isa sa mga programang sinusuportahan ng DBP ay may kinalaman sa social services and community development katulad ng pabahay.

Umabot na sa P98.5 billion pesos ang napapautang ng DBP para sa social infrastructure o katumbas ng 20% ng loan portfolio nito sa unang bahagi pa lamang ng taong 2022.

Higit kumulang sampung billion pesos na rin ang naaprubahang pautang para sa iba’t ibang housing projects nitong July 2022 sa ilalim ng “Building Affordable Homes Accessible to Every Filipino Program”.