‘Di bakunadong 92-anyos, unang patay sa Omicron sa Singapore

‘Di bakunadong 92-anyos, unang patay sa Omicron sa Singapore

January 24, 2022 @ 11:11 AM 8 months ago


SINGAPORE – Patay ang 92-anyos na hindi bakunadong babae sa komplikasyon kaugnay sa Omicron COVID-19 variant, ito ang kauna-unahang naitalang nasawi sa bansa dahil sa nasabing variant.

Sa pahayag ng Ministry of Health (MOH), walang anomang medical history ang nasabing babae na nasawi 10 araw matapos na mahawaan ng COVID.

Sa pag-iimbestiga, sinabi ng mga doktor na nasawi ito dahil sa Omicron variant ng COVID, ayon sa MOH.

 “To her family and loved ones, please accept our deepest condolences. The Ministry of Health and our healthcare workers will continue to do whatever we can to care for all our patients,” anang MOH.

Ang nasabing pagkasawi ay nangyari matapos na ianunsyo ng bansa na maaaring makaranas ng “significant wave” ng COVID-19 cases ang Singapore dahil sa pagkalat na ng Omicron variant.

Sinabi ni Trade and Industry Minister Gan Kim Yong na nasa 70 porsyento na ng COVID-19 cases sa bansa ay Omicron variant, at pinalitan n anito ang Delta bilang dominanteng variant.

Sinabi naman ni Finance Minister Lawrence Wong, na posibleng tumaas sa “20,000 to 25,000 infected cases a day”.

Pero iginiit din na dapat ang pokus ay hind isa bilang ng mahahawaan kundi sa mga magkakaroon ng severe symptoms. RNT