‘Di bakunadong guro kailangan ng negative COVID result sa F2F class – DepEd

‘Di bakunadong guro kailangan ng negative COVID result sa F2F class – DepEd

February 10, 2022 @ 9:30 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Kailangan munang magpakita ang mga unvaccinated teaching at non-teaching personnel ng negatibong resulta ng coronavirus test bago pa payagan ang mga ito na makapasok sa school premises para sa onsite reporting.

Sa pagsisimula ng rollout ng expansion phase ng limited face-to-face classes ngayong buwan, pinaalala ng DepEd sa mga guro at iba pang personnel ang pangangailangan na sumunod sa national policies na sinusunod ng lahat ng public institutions kabilang na ang guidelines hinggil sa unvaccinated individuals.

β€œIf they don’t want to, they don’t have to because vaccination remains voluntary,” ayon kay Education Secretary Leonor Briones.

β€œBut if they go to school, and we have said that time and again, they need to show [negative] result of RT-PCR [Reverse transcription polymerase chain reaction] or antigen so we can also protect those who are vaccinated,” ayon sa Kalihim.

Sa panahon ng face-to-face classes, sinabi ng DepEd na tanging ang mga guro na bakunado lamang laban sa coronavirus disease (COVID-19) ang pinapayagan ang magpartisipa.

Gayunman, sinabi ni DepEd Officer-in-Charge (OIC)-Undersecretary for Human Resource and Development Wilfredo Cabral na β€œas long as there is no interaction with the learners and those teachers who teach inside the classrooms, unvaccinated teachers and personnel may be required to report on-site provided that they present negative RT/PCR or antigen test.”

Tinukoy ang Department Order 11, s. 2020, muling inulit ni Cabral na ang kumbinasyon o pinagsama-samang Skeleton Workforce, Work-From-Home, 2-Week o Weekly Rotation, at Work Shifting arrangements ay maaaring i-adopt para sa mga hindi bakunadong guro at personnel. Kris Jose