‘Di binigyan ng pera, anak nilaglag ang tatay na nagto-tong its

‘Di binigyan ng pera, anak nilaglag ang tatay na nagto-tong its

April 6, 2022 @ 1:05 PM 3 months ago


ILOCOS SUR-Arestado ang anim na katao matapos silang maaktuhang nagsusugal sa Brgy. Baliw Laud, Sta. Maria ng lalawigang ito kahapon.

Kinilala ang mga naaresto na sina Sonny Dolor y Marteja, 48, may asawa; Edgar Dolor y Arreola, 59, balo; Michelle Espadero y Peria, 22, walang asawa; Glenda Mendoza y Dolor, 40, may asawa; Jovelyn Mendoza y Aquino, 39, walang asawa; at Nicasio Estero y Dela Cruz, 37, walang asawa; pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Nabatid na isang anti-illegal gambling operation ang agad na ikinasa ng mga miyembro ng Sta. Maria Municipal Police Station matapos silang makatanggap ng sumbong na may mga nagsusugal sa naturang lugar.

Ayon kay PCapt. Joel Dasargo, hepe ng Sta. Maria MPS, isang bata umano ang nagsumbong matapos hindi binigyan ng pera ng kanyang tatay na nagtotong-its.

Ang mga suspek pati na ang mga nakumpiskang ginamit nila sa pagsusugal ay nasa kustodya ngayon ng Sta. Maria MPS. Rolando Gamoso