‘DI HOLIDAY ANG AUGUST 9; TANUNGIN N’YO SI JPE

‘DI HOLIDAY ANG AUGUST 9; TANUNGIN N’YO SI JPE

August 12, 2022 @ 3:17 PM 2 months ago


SINITA ng Commission on Audit ang Department of Education dahil 23 porsiyento lang ng mga kinakailangang kumpunihing silid-aralan sa buong bansa ang nakumpleto nito noong 2021, kahit pa mayroong P9.49 bilyon budget na inilaan para rito.

Bukod pa ito sa pagbibigay-diin ng COA sa kakulangan ng DepEd na gastusin ang P4.52-bilyon pondo nito sa distance learning o ang P2.4 bilyon ipinambili ng mga wala nang silbing laptops.
Teka, ano nga iyong humihiling sa Kongreso ng P848-bilyon budget sa susunod na taon?
***

Sawa na ba kayo sa mga tinaguriang “political butterflies”? Well, hindi ito maliit na bagay lang para kay dating pangulo-ngayon-ay-House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Inihain niya kamakailan ang House Bill No. 488 o Political Party Act, na nagpaparusa sa lahat ng mga papalit-palit ng partido pulitikal gaya niyong mga nang-iwan sa kanya sa ere sa napakakontrobersiyal noong iilang araw na natitira sa kanyang pagkapangulo. Pero mistulang iba na rin ang mga kasa-kasama niya sa nakalipas na mga buwan, o baka naman para lang siyang isang batang naliligaw.

Pinipigilan kong matawa, pero ang dating sa akin nito ay isang nakakatawang kuwentong engkanto dahil nanggaling sa kanya. Eh, bakit hindi na lang ihaing muli ang anti-dynasty bill? Para bang kumuha ka ng bato at ipinukpok mo sa sarili mong ulo?
***

Iniulat nitong Miyerkules ng Manila Bulletin na sinabi raw ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, dating nanguna sa giyera kontra droga ng administrasyong Duterte bilang PNP chief, na kaisa siya ng mga biktima at pami-pamilyang naapektuhan ng nabanggit na kampanya. Maikling katahimikan… tapos, mahabang katahimikan.
Pendong-Peace!
***

Noong nakaraang Huwebes, mismong si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang nagsagawa ng weirdong hakbangin na i-fact-check ang naglabasan sa social media na umano’y proklamasyon ng pangulo na nagdedeklara sa Agosto 9, 2022 bilang special holiday upang bigyang-respeto ang pagpanaw ni dating pangulong Fidel V. Ramos.

“Fake news” lang daw ‘yun, aniya.
Kayo naman, guys… kahit nga si Juan Ponce Enrile ay may pasok ngayong araw!
***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View. Basahin ang bago at nakalipas na issues ng kolum na ito sa http://www.thephilbiznews.com