‘DI KA NA LIGTAS SA BANSA NG KANO

‘DI KA NA LIGTAS SA BANSA NG KANO

July 7, 2022 @ 11:41 AM 1 month ago


WALA nang ligtas sa bansa ni United States President Joseph Biden.

Kahit saan, pwede ka nang pagbabarilin ng mga sira ulong may mga ligal at iligal na armas na pawang malalakas.

Akalain mo, maging nitong okasyon ng pagsasaya sa nasabing bansa dahil sa kanilang National Independence nitong Hulyo 4, hindi pinaligtas ng mga mamamatay-tao na Kano rin.

Niratrat ng gunman ang maraming taong nagsisimula pa lang na magmartsa at magsasaya sana sa araw ng kanilang Araw ng Kalayaan.

Patay ang lima on the spot at sa ospital namatay ang isa.

May walo pang nasa ospital na natamaan at ginagamot na sila.

ANG SUSPEK

Suspek sa pagmasaker ang isang 21 anyos na si Robert Crimo, lahing Hudyo at ilan sa mga biktima ang kalahi nito.

Marami ang Hudyo sa pinangyarihan ng krimen sa Highland Park sa Illinois kaya naman ilang Hudyo ang naging biktima.

Umakyat si Crimo sa isang mataas na gusali at istayl sniper siyang rumatrat sa mga tao sa baba na nagtitipon-tipon ang nagmamartsa.

Matapos nito, tumakas siya natagpuan siyang nakasakay sa isang kotse na mabilis na lumalayo sa lugar ng krimen kaya hinabol hanggang mahuli siya ng mga pulis.

Wala pang nakaaalam kung bakit ginawa ng suspek ang krimen.

Pero lumalabas na mga bata pa ang mga suspek sa mga pagpatay.

MGA PINOY BIKTIMA NA RIN

Hindi pa gaanong matagal nang pagbabarilin din ang isang abogadong Pilipino sa Philadelphia nitong Hunyo 22.

Legal team ni ex-President Leni Robredo si Laylo na pinagbabaril habang nakasakay siya sa Uber patungong airport.

Hinahabol pa ng mga pulis ang suspek at naglatag na ang mga awtoridad ng $20,000 reward sa sinomang nakakikilala sa suspek hanggang sa madakip ito.

Nauna rito, anak ng tokwa, naaresto naman si Nicholas Weber makaraang banggain nito sa likod ang sinasakyan ng mag-inang sina Nerissat at Patricia Roque sa Los Angeles, Califronia.

Matapos nito, pinagmumura ang mag-ina dail Asyano ang mga ito.

Nang sumaklolo sa mag-ina ang ama ng tahanan na si Gabriel, dito bumaba ng kanyang kotse si Weber at pinagbubugbog ito.

HATE CRIME, GUN VIOLENCE LABANAN

Karaniwang isinasailalim ang mga nasabing karahasan sa mga salitang hate crime at gun violence.

Kung ano ang pagtingin ng mga salbaheng Kano sa mga Asyano, hindi natin masukat ngunit maliit lang talaga ang pagtingin ng mga ito sa mga Asyano.

Milyon-milyon namang baril ang nasa kamay ng mga Kano na sibilyan at marami sa mga ito ang ligal.

May bagong batas na pinirmahan ni Biden laban sa pagbebenta ng mga armas sa mga hindi dapat bentahan, kabilang na ang mga kabataan.

Pero tila hindi iniinda ng mga Kano ang batas na ito at nagpapatuloy ang mga siraulo sa paggawa ng pagpatay at pananakit, maging sa kanilang mga sariling kababayan.

Siguro para maging ligtas ang mga Pinoy at iba pang Asyanong dayuhan sa Merika, dapat unahin nila ang pag-iingat at kung kinakailangan, lumaban na rin sila nang mata sa mata at ngipin sa ngipin sa mga siraulong Kano na walang karespe-respeto sa kapwa nila tao at sa karapatang pantao.