‘Di kailangang suspensyon ng klase, pinaiiwasan ng DepEd

‘Di kailangang suspensyon ng klase, pinaiiwasan ng DepEd

October 28, 2022 @ 1:44 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Kasabay ng kabi-kabilang suspensyon ng klase dahil sa paparating na bagyong Paeng, muling nagpaalala ang Department of Education sa mga local government units na iwasan ang pagsususpinde ng klase kung hindi naman talaga kailangan.

Ito ay upang mapaigting pa ang learning recovery ng bansa na naidulot naman ng COVID-19 pandemic.

Sa isang statement nitong Biyernes, Oktubre 28 sinabi ng DepEd na masususpinde lamang ang pasok sa mga paaralan kapag mayroong public emergency, severe weather disturbances at iba pang kalamidad.

“The DepEd aims to not only bring learners back to school, but also institute measures to maximize learning recovery,” ayon sa DepEd.

Nang matanong kung ang pahayag na ito ng DepEd ay may pinapatungkulang LGU, ang sagot naman ni DepEd spokesperson Michael Poa ay isa itong pangkalahatang pahayag.

“[The] DepEd is against the unnecessary cancellation of classes and the use of our schools as billeting areas for events that are not related to the curriculum,” ani Poa. Kris Jose