‘Di karapat-dapat na bayad ng LTO sa IT provider, pinaimbestigahan ni Pimentel

‘Di karapat-dapat na bayad ng LTO sa IT provider, pinaimbestigahan ni Pimentel

August 17, 2022 @ 4:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Naghain ng isang resolusyon si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na humihiling ng imbestigasyon sa sinasabing “undue payment” o hindi karapat-dapat na pagbabayad ng Land Transportation Office (LTO) sa isang joint venture sa ilang IT provider hinggil sa P3.19-billion Road IT Infrastructure project.

Hiniling niya ang imbestigasyon sa Senate blue ribbon committee sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 147 nitong Martes.

Sa kanyang resolusyon, binanggit ni Pimentel ang report ng Commission on Audit (COA) report na nagpapakitang nagbayad nang hindi karapat-dapat ang LTO sa dayuhang IT provider na Dermalog sa kabila nang kaulang ang turnover deliverables sa P3.19-billion Road IT Infrastructure project.

Naigawad ang proyekto noong 2018 sa pamamagitan ng joint venture ng Dermalog Identification Systems, Holy Family Printing Corp., Microgenesis at Verzontal Builders, Inc.

“The said COA report disclosed that all core applications were already paid although some of these core applications have yet to accommodate certain LTO transactions,” ayon kay resolusyon ni Pimentel.

Kabilang sa core application ang Driver’s Licensing System at ang Motor Vehicle Inspection and Registration System, na kasama sa Component A ng IT project na kilala bilang Land Transportation Management System.

Binanggit pa ng resolusyon na kahit hindi pa natatanggapa ng core applications ng LTO, mayroon n ang 25 existing “issues na napaulat sa core apps na ito na nananatiling hindi nareresolbahan noong pang Disyembre 9, 2021.

“This is disadvantageous to the government as the core applications were already paid when such have yet to function and operate as intended,” ani ng report.

Aniya, nagresulta ang mga issues na ito sa pagtigil ng operasyon ng LTO website.

“Unsurprisingly, there have been complaints of slow processing of documents in getting driver’s license and its renewal, as well as registration of vehicles, which have been attributed to its new IT system,” giit pa ng resolusyon.

Ani Pimentel: “As general rule under Memorandum Order No. 172 on the rules on advance payment, “no payment shall be made for services not yet rendered or for supplies and materials not yet delivered under any contract with the government.”

“And as a basic rule in procurement contracts, the senator stressed that “payment based on progress billing is allowed provided that the goods have been delivered or installed in accordance with the terms and conditions of the contract, and the same was duly inspected and accepted by the procuring entity as evidenced by a certification to that effect,” giit pa ng resolusyon.

“It is thus imperative for the LTO to explain why full payment has been made to the vendor of this IT system which has unresolved issues and are clearly not working as intended and is causing massive disruptions to the LTO processes in clear violation of the procurement and auditing rules and to the disadvantage and detriment of our government and country as a whole,” aniya sa panukala. Ernie Reyes