‘DI LANG KAKAMPI

‘DI LANG KAKAMPI

April 27, 2022 @ 3:41 PM 2 months ago


KAMAKAILAN, binanggit ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa kanyang regular na  “Talk to the People” ang pagkakaugnay ng mga partylist group, lalo na ang mga Makabayan Bloc, sa mga komunistang-terorista.

Aniya, sinisegundahan lamang niya ang mga pahayag ni Undersecretary Lorraine Badoy, tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na talagang tama naman.

Tinukoy ni Pangulong Duterte ang mga partylist group na Kabataan, Anakpawis, Bayan Muna, Alliance of Concerned Teachers (ACT), at Gabriela (KABAG) na ang tawag ng karamihan sa dating Kamatayan, este, Makabayan Bloc pala.

“I’ll tell you that Lorraine Badoy is right,” ang sabi ng Pangulo. “They were able to get into Congress, and no doubt about it, they have used the partylist.

“As you know, whoever did that was bright,” ang sabi pa ni Pang. Duterte.

Paliwanag niya, ang mga miyembro ng KABAG ay talaga namang sumusuporta at nagsisilbing ‘legal fronts’ ng Communist Party of the Philippines.

At kahit pa may mga mi­yembro ito na nasa abroad, iisa lamang ang layunin nila sa pagpasok sa Kongrseso – ang pa­bagsakin ang pamahalaan at hawakan nila ito.

Talagang “bright” at napa­kagaling ng naisipan nitong mga CPP-NPA-NDF na gamitin ang partylist system upang makapasok ang kanilang mga legal front sa Kongreso. Sa hinaba-haba ng panahon ng pananatili ng KABAG sa Kongreso,  na­kakuha na ng bilyong pisong pondo ang mga ito upang ipan­tustos sa kanilang laban na agawin ang pamahalaan.

Kung ‘di natin babantayan ang mga galaw ng KABAG, ‘di malayong, balang-araw ay maagaw na ng CPP-NPA-NDF ang pamahalaan at mapasai­lalim ang bansa sa komunismo.

Isa lang ang marerekomenda ko, mga kababayan ko, isa sa maliit na maitutulong niyo ay ang hindi pagboto sa mga partylist ng KABAG.

Dahil kung masasawata natin ang maling representasyon ng mga ito, hindi malulustay ang mga pondong nakukuha nila sa Kongreso na siya namang ipinapasa nila sa CPP-NPA-NDF.

Kaya sa darating na Mayo 9, 2022, maging mapag-ana­lisa sana tayo at huwag nang hayaang makapanloko pa ang mga KABAG.

Mahirap talaga ang may KABAG.

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!