‘Di makaabot sa climax? Baka may anorgasmia ka

‘Di makaabot sa climax? Baka may anorgasmia ka

October 18, 2018 @ 6:00 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Sa simpeleng salita, ang anorgasmia ay ang kawalan ng kakayahan ng isang tao na magkaroon ng orgasm. Maaari itong mangyari sa parehong kasarian ngunit ayon sa Global Library of Women’s Medicine, mas malaki ang tiyansa ng mga babae na magkaroon nito.

Sa isang pag-aaral mula sa University of Texas noong 2004 tungkol sa sexual dysfunction ng mga babae, 24% sa mga partisipante ang naiulat na mayroong orgasmic dysfunction. Nakaaalarma dahil lubha itong malaki.

Para sa mga babae, ang sanhi ng anorgasmia ay multifactorial. Maaaring sisihin sa pagkakaroon nito ang mga gamot, anxiety at iba pang psychological crises, pag-inom ng alak at paggamit ng iligal na droga, gynecologic medical issues, at hormonal changes dahil sa pagtanda.

Variation

Kung pag-uusapan ang female anorgasmia, ayon kay Dr. Jennifer Berman ng Berman Sexual Health, mayroon dalawang uri ng orgasmic disorders, primary at secondary.

“Primary means a woman has never had an orgasm. Secondary means she has in the past but now she can’t due to any number of factors including sexual trauma, pelvic surgery, childbirth, or medication.”

Ayon naman kay James Kashanian, isang urologist sa New York-Presbyterian Hospital Cornell, mayroong iba’t ibang paraan para malaman kung ang lalaki ay anorgasmia.

Mayroon kasing mga lalaki na hindi nakakaabot sa climax at hindi rin nakakapag-ejaculate dahil sa hindi pagkakaroon ng sapat ng stimulation, anxiety, erectile dysfunction, o dahil sa mga gamot gaya ng antidepressants. Nariyan rin ang anejaculation na nangyayari kung ang isang lalaki ay nagkakaroon ng orgasm ngunit hindi nag-e-ejaculate, karaniwang nangyayari sa mga lalaking tinanggalan ng prostates dahil sa cancer.

Maaaring solusyon

Kung nahihirapan kang makapag-climax, isa lamang ang maaari mong gawin, kumunsulta kaagad sa gynecologist o iba pang health-care provider. Sa mga babae, lagi ring tandaan na karamihan sa mga babae ay kinakailangan ng clitoral stimulation at hindi lamang vaginal penetration para makaabot sa climax o orgasm.

At kung ginawa na ng iyong gyno ang kaniyang makakaya at wala pa ring nangyayari, maaari ring makatulong ang sex therapy or coaching. Nariyan ang mga indibidwal na eksperto sa female pleasure at orgasm. Mayroon ding organisasyon gaya ng One Taste, na nagtuturo ng partnered sexual practice na tinatawag na “Orgasmic Meditation,” habang ang OMG Yes naman ay gumagawa ng mga educational web videos tungkol sa female pleasure.

Hindi kasi porke hindi ka pa nagkakaroon ng orgasm ay hindi na talaga ito magyayari kailanman, hintayin mo lang at makakaabot ka rin sa climax./Remate News Team