‘Di makikipagtulungan sa imbestigasyon ng Kamara sa manipulasyon ng sibuyas, ipakukulong

‘Di makikipagtulungan sa imbestigasyon ng Kamara sa manipulasyon ng sibuyas, ipakukulong

March 19, 2023 @ 4:41 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang liderato ng Malaking Kapulungan ng Kongreso na ipakukulong ang sinumang magsisinungaling sa testimonya sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food ukol sa hoarding at mataas na presyo ng sibuyas.

Sa Martes ay ipagpapatuloy ng komite na pinamumunuan ni Quezon Rep. Mark Enverga ang pagdinig ukol sa pagtatago sa mga agricultural products at labis na pagtaas ng presyo ng sibuyas.

“I cannot stress enough for these resource persons the importance of cooperating with the committee: lie to lawmakers and you will all find yourselves in jail,” babala ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Ang Kamara ay patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon upang mailantad ang mga tiwalaing financiers at traders na nasa likod ng cartel ng sibuyas at gulay kung saan sa mga naunang pagdinig ay isinailalim na sa contempt at naidetine sa Kamara ang tatlong opisyal ng Argo International Forwarders Inc. Matapos tumangging makipagtulungan sa mga mambabatas.

Sinabi ni Committee chair Rep. Enverga na ang “citation for contempt” ay naalis lamang matapos tiyakin ng tatlo na sila ay makikipagtulungan at magsusumite ng mga hinihingi dokumento na makatutulong sa pagresesolba sa nagaganap na pagmamanipula sa presyo ng sibuyas at sa ikalalantad ng mga lider ng cartel.

Giit pa ng kongresista na ang layunin ng komite ay mabawasan ang napakataas na presyo ng sibuyas at malansag ang kartel ng gulay.

“We need to lower the prices of onions and decimate the cartel the soonest possible time. And I guarantee the imprisonment of those exploitative and abusive individuals and business owners behind the cartel. Our constituents need an immediate reprieve from the high prices of agricultural goods,” dagdag pa ni Romualdez.

Lalo aniyang hindi magiging katanggap-tanggap kung ang mga kasabwat sa manipulasyon ng presyo ng gulay ay mga nasa gobyerno.

“The committee will not spare anyone who helped these unscrupulous individuals, even those from the government. You are equally guilty of causing the suffering of the Filipino people.”

Gaya ng mga naunang pahayag nina Enverga at SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta ay patuloy na umaasa si Romualdez sa pakikipagkaisa nina Argo President at General Manager Efren Zoleta Jr., Argo Operations Manager John Patrick Sevilla, at legal counsel Jan Ryan Cruz na mailalantad ang mga hoarders.

“Let your detention by the committee be a lesson: if you will not tell us the truth, we will send you to jail.” Meliza Maluntag