‘Di na pagtanggap ng COVID-19 vaccine order ng ilang manufacturer, walang epekto sa Pinas

‘Di na pagtanggap ng COVID-19 vaccine order ng ilang manufacturer, walang epekto sa Pinas

February 16, 2021 @ 7:30 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Pinakakalma ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang publiko, Martes ukol sa balitang hindi na pagtanggap ng manufacturer ng COVID-19 vaccine orders.

Ayon kay Galvez na walang epekto ito sa Pilipinas at sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno.

“Ang epekto po noon wala po,” aniya sa isang briefing sa Davao City nang tanungin ukol sa maaring maging epekto sa bansa.

Nauna nang sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion sa hiwalay na briefing ang ilang manufacturer tulad ng AstraZeneca, ang hindi na tatanggap ng order.

Sa kabila nito, siniguro ni Galvez na darating naman ang naunang nasiguro nang kasunduan sa 17 millon dose ng AstraZeneca sa Pilipinas.

Nanatili rin ang pakikiapg-usap ng bansa para sa 10 million vials mula sa Novavax. RNT


  •  
  •  
  •