‘Di nagamit na internet data pwedeng maging pera – Globe



‘Di nagamit na internet data pwedeng maging pera – Globe

March 25, 2021 @ 3:30 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Maaaring i-convert sa pera sa pamamagitan ng GCash o reward points ang hindi nagamit na internet data ng mga mobile prepaid at postpaid subscriber, ayon sa Globe Telecom.

Tinawag itong GB to Points feature kung saan maaaring gawing pera o reward points ang mga hindi nagamit na data para mai-redeem na ibang produkto, ayon kay Globe Deputy Chief Commercial Officer Issa Cabreira.

Ang rewards points ngayon “are as good as cash” at maaari rin itong ma-convert sa GCash, aniya pa.

“Kung hindi mo magamit, magagamit mo sa ibang bagay… Mapakikinabangan mo siya, walang sayang, walang tapon. Lalo na sa panahon ngayon na lahat ng tao nag-o-optimize,” dagdag pa ni Cabreira.

“We’re committed to bring digital innovations na talaga na makatutulong sa buhay ng mga Pilipino. We really want to break barriers and make it really accessible to Filipinos. We know how essential the internet is in their daily lives,” dagdag pa ng opisyal ng globe.

Maaari naman itong ma-avail ng Mobile prepaid at postpaid users sa pamamagitan ng Globe One app o Globe Rewards app.

Narito ang halimbawang conversion rates:

  • Para sa prepaid users: 1GB = 1 reward point

  • Para sa postpaid users: 1GB = 10 reward points

  • Para sa home prepaid WiFi users: 3GB = 3 reward points

Ang reward points ay pwede namang magamit sa “relevant” services a normal such bilang Viu subscriptions, GrabFood deliveries, gaming o Lazada credits, paliwanag pa ni Cabreira. RNT


  •  
  •  
  •