‘Di pa nakukuhang mga bangkay ng Bilibid inmates pangangalanan

‘Di pa nakukuhang mga bangkay ng Bilibid inmates pangangalanan

November 10, 2022 @ 6:28 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Ilalabas na ng Department of Justice ang pangalan ng bangkay ng mga inmates ng New Bilibid Prison (NBP) na hindi pa nakukuha ng pamilya sa Eastern Funeral Homes.

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Huwebes, Nobyembre 10 kung saan nasa 176 na bangkay ang nananatili pa rin sa naturang punerarya.

Ang Eastern Funeral Homes ang natatanging punerarya na accredited ng Bureau of Corrections sa Muntinlupa City mula pa noong 2021.

“Well, then we publish their names. We try to reach their families at the last known address, and if they do not respond, then we will give them a decent burial or cremation. Wala naman tayong choice eh, nandyan na ‘yan,” ani Remulla.

Sa hiwalay na panayam, sinabi din niya na nasa siyam na hindi pa nakukuhang bangkay ang inilibing na samantala ang 167 naman ay inilipat sa University of the Philippines College of Medicine.

“Information lang, nilibing nine. Nine pinalibing. We stopped already from the nine,” sinabi pa nito.

Samantala, ilang sandali makalipas ang naturang pahayag ay sinabi ni Remulla na siyam sa mga bangkay ang nailibing na at 166 ang inilipat.

“Ten were buried already due to decomposition. 166 left.”

Bibisitahin naman ng forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun ang naturang establisyimento upang tingnan ang kalagayan ng mga katawan.

“Pero ano yan pupuntahan ni Dr. Fortun sa sabado kasama ng DOJ staff para identify nila muna yung status tapos I’ve asked, I’ve authorized Undersecretary Cadiz to sign any agreement with the UP College of Medicine for this purpose.” RNT/JGC