‘Di pagkakasama ni Duque sa tiwali sa PhilHealth ‘welcome development’ sa DOH

‘Di pagkakasama ni Duque sa tiwali sa PhilHealth ‘welcome development’ sa DOH

September 16, 2020 @ 7:07 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Maituturing umanong “welcome development “ ang hindi pagkakasama kay Health Secretary Francisco Duque III sa listahan ng mga sasampahan ng reklamo  kaugnay sa katiwalian sa PhilHealth.

Ito ang sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire sa kanyang virtual briefing kung saan ikinalugod aniya ito ng DOH.

Ilan sa mga matataas na opisyal ng PhilHealth ang inirekomendang masampahan ng ng kasong kriminal at administratibo.

Ang naturang rekomendasyon ng Task Force Philhealth ay inaprubahan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunman, hindi kasama si Duque bilang ex-officio chairman ng Philhealth  sa nasabing listahan ng rekomendasyon .

Ayon kay Vergeire, ang DOH ay nagpapasalamat sa patuloy na pagtitiwala ng Pangulo sa kalihim lalo na’t sa panahon ng pandemyang kinakaharap ngayon ay mahirap magpalit ng mamumuno.

Sa kabila nito, bukas pa rin naman aniya ang DOH at PhilHealth sa nagyayaring imbestigasyon.

Ayon pa kay Vergeire, suportado naman ng kalihim kung may mga isyu o gaps na may problema na nararapat na patawan ng parusa sa sanction.

Sa kabila ng mga kontrobersya at batikos ay tulot-tuloy pa rin ang serbisyo ng DOH. (Jocelyn Tabancgura-Domenden)


  •  
  •  
  •  

Loading...