‘Di pagkomento sa kaso ni Veloso, pag-iingat lang ‘di kawalan ng aksyon – Palasyo

‘Di pagkomento sa kaso ni Veloso, pag-iingat lang ‘di kawalan ng aksyon – Palasyo

September 7, 2022 @ 4:12 PM 4 weeks ago


ORCHARD ROAD, Singapore- Tikom pa rin ang bibig ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kaso ni Mary Jane Veloso, ang manggagawang Pilipino na nasa death row sa Indonesia, sa pag-iingat ng pamahalaan ukol sa isyu ng diplomatic relations, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

Sa press briefing here nitong Miyerkules ng umaga, tinanong si Angeles kung mag-iisyu si Marcos ng pahayag sa kaso ni Veloso, dahil kinumpirma na ng pamahalaan nitong Martes na inihirit ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang executive clemency para kay Veloso.

“Like we said, and we constantly say it, when it’s a matter of international relations, the President will make a pronouncement only when the policy is already set in place and after recommendations made by the DFA,” sabi ni Angeles.

“We’re always very careful about any statement because they have repercussions later on.  We also do not want to transgress the sovereignty of another state.  So definitely the President will make no statement until we have some kind of further development on Ms. Veloso’s case,” dagdag niya.

Subalit, iginiit ni Angeles na ang katahimikan ukol sa isyu ay hindi nangangahulugan na walang aksyon ang pamahalaan sa isyu.

“But it doesn’t mean na hindi siya inaasikaso ha?  Tuloy-tuloy naman ang embassy natin sa kanya at sila nga po nga ‘yong kumuha ng abugado sa kanya,” paglilinaw niya.

Kinumpirma ni Angeles at ng DFA nitong Martes ng gabi na nakipag-usap si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa kanyang Indonesian counterpart nitong Linggo upang humiling ng executive clemency para kay Veloso.

Ayon sa DFA, sinabi ni Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi kay Manalo sa Jakarta na kokonsultahin ang Ministry of Justice ukol sa kahihinatnan ni Veloso.

Nakakulong si Veloso sa Indonesia mula pa nang maaresto siya sa drug trafficking noong 2010. 

Magugunitang muntik nang ma-execute ng firing squad si Veloso noong 2015, subalit nasagip ng pakiusap ng kanyang pamilya at ng pamahalaan. RNT/SA