‘Di pagsali ng Pinas sa ICC, pinagtanggol ng DOJ chief

‘Di pagsali ng Pinas sa ICC, pinagtanggol ng DOJ chief

August 4, 2022 @ 10:30 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Ipinagtanggol ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla  ang desisyon ng gobyerno ng Pilipinas na hindi na muling sumali sa International Criminal Court (ICC).

Isinantabi niya rin ang mga usap-usapan na magiging ‘pariah’ lang ang bansa matapos ng nasbaing desisyon.

Sa isang media briefing kasama ang iba pang opisyal ng DOJ, binanggit ni Remulla na ang ibang mga bansa—kabilang ang United States, China, at Russia—ay hindi rin miyembro ng ICC.

“[A]re they pariahs? Are we saying that their systems don’t work?” ain Remulla. “Is it a club that says if you don’t belong here, you are no good? Hindi naman eh,” ani Boying.

“So it’s just a choice that we have, whether to join or not to join. And I think that we are fully within our rights not to join,” giit pa ng Secretary of Justice.

Sa unang bahagi ng linggong ito, mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nag-anunsyo na hindi plano ng Pilipinas na muling sumali sa ICC, sa pagsasabing mayroon nang kasalukuyang lokal na pagsisiyasat sa kampanya laban sa droga ng administrasyong Duterte.

Gayunman, nilinaw ni Remulla na hindi nila “sinasara ang pinto” sa posibleng usapin, kabilang ang mga senador na maaaring magtulak sa muling pagsasaalang-alang ni Marcos.

“Kami ay isang demokrasya. Ang lehislatura ay maaaring palaging makipag-usap sa ehekutibo tungkol sa bagay na ito,” sabi ni Remulla.

Binanggit din ng Justice Secretary na magbibigay pa rin ng impormasyon ang gobyerno sa korte sakaling magkaroon ng kahilingan “out of courtesy and comity.” RNT