‘Di pagtanggap ni Marcos ng pagkatalo pagsira sa democratic institutions ng Pinas – Robredo

‘Di pagtanggap ni Marcos ng pagkatalo pagsira sa democratic institutions ng Pinas – Robredo

February 21, 2021 @ 3:44 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iginiit ni Vice President Leni Robredo na sinisira ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang institusyon ng demokrasya ng bansa sa hindi pagtanggap nito ng pagkatalo sa 2016 elections.

“Ito ang nakakalungkot kasi ‘di na lang ito between us, ‘yung laban ‘di lang Marcos vs Robredo, pero ‘pag sinira mo ang democratic institutions, ‘yung sinisira mo yung bansa natin,” punto ni Robredo sa kanyang weekly radio show.

“Sa’kin, hindi lang ito simpleng pagsisinungaling. Nakita natin kung papano yung ambition ng isang tao, ng isang pulitiko para makuha niya lang yung kaniyang inaasam ay sisirain niya yung mga institution,” dagdag ng bise.

Sinabi pa nito na kasalanan ni Marcos ang pagsisinungaling sa mga taga-suporta nito.

“Yung kanyang propaganda na siya ay dinaya, may mga taong napapaniwala niya, kasalanan niya ito sa kanila,” aniya.

Lahad pa ng bise na nagalak ang kanyang mga kababayan sa Camarines Sur kasunod ng pagbasura ng korte sa protesta ni Marcos.

“Dito naman sa’min, wala namang duda na hindi ako nandaya sa eleksyon kasi napakatagal na namin sa pulitika, alam ng mga tao dito na una, wala kaming capability mandaya; pangalawa, kahit may capability kami, mandaya hindi namin gagawin,” ani Robredo.

“Kaya sa’min, parang ang pakiramdam ng mga tao dito sa’min, laban din nila yun kasi nasasaktan sila na pinagdududahan ako. S’yempre, yung iba kasi napapaniwala nila eh, yung ibang di nakakakilala sa’tin, napapaniwala nila. Kaya dito, masaya ang mga tao na vindicated tayo,” saad pa nito.

Matatandaang nais klaruhin ng kampo ni Marcos ang desisyon ng Korte Suprema dahil anila hindi kasama sa ibinasura ang  third cause of action nito kung saan ipapasawalang-bisa ang resulta ng halalan sa tatlong probinsya sa Mindanao. RNT/ELM


  •  
  •  
  •