‘Di pagturok ng 2nd booster sa lahat, base sa siyensya-DOH

‘Di pagturok ng 2nd booster sa lahat, base sa siyensya-DOH

December 21, 2022 @ 9:09 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Binigyan diin ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na batay sa ebidensya at agham ang mga ginagawang desisyon at polisiya ng Department of Health.

Ang komentong ito ay ukol sa tanong ng mamamahayag kung bakit hindi pa maaaring turukan ng ikalawang booster shot laban sa COVID-19 ang general public.

Paliwanag ni Vergeire, ipinapakita ng ebidensya na ang pangalawang booster dose ay epektibo para sa vulnerable individuals tulad ng nakatatanda at persons with comorbidities.

“Tayo po kapag gumagawa ng desisyon at polisiya sa ating Kagawaran ng Kalusugan, this is based on evidence. It’s based on science,” sabi ni Vergeire sa media forum.

Aniya kung magagawa ng ahensya, ibibigay nila ang mga bakuna sa lahat upang maiwasan ang pag-aaksaya ng bakuna ngunit ang kanilang desisyon ay batay sa agham.

“Hindi naman po kailangan mag-alala ng ating mga kababayan kasi ang atin pong pagre-review ng mga ebidensya [ay] patuloy nating ginagawa, saad pa ni Vergeire.

Nauna nang inihayag ng DOH na nasa 44 milyong Covid-19 vaccine doses ang nasayang simula 2021. Jocelyn Tabangcura-Domenden