‘Di rehistradong baby wipes, ibinabala ng FDA

‘Di rehistradong baby wipes, ibinabala ng FDA

November 25, 2021 @ 8:10 AM 3 days ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbili ng hindi rehistradong scented baby wipes.

Sa abiso ng FDA, tinukoy nito ang iligal na pagbebenta sa Aierdan Baby Tender Baby Wipes (fresh scented) dahil wala itong balidong sertipikasyon ng product notification hanggang nitong Nobyembre 8.

Nakasaad sa FDA Law na bawal ang paggawa, pag-angkat, pagbenta, pagpapakalat, at pag-promoto sa anomang health product na “adulterated, unregistered o misbranded”.

“Since the abovementioned unauthorized cosmetic product has not gone through the notification process of the FDA, the agency cannot assure their quality and safety. The use of such violative product may pose health risks to consumers,” ayon sa FDA.

“Potential hazards may come from ingredients that are not allowed to be part of a cosmetic product or from the contamination of heavy metals. The use of substandard and possibly adulterated cosmetic products may result in adverse reactions including, but not limited to, skin irritation, itchiness, anaphylactic shock, and organ failure,” dagdag pa sa abiso.

Inabisuhan din ng FDA ang mga nagbebenta na ‘wag ipakalat ang nasabing produkto hanggang hindi ito sumusunod sa rules at regulasyon.

Maaring iulat ng publiko sa ereport@fda.gov.ph o tumawag sa hotline (02)-8857-1900 loc. 8113 or 8107 kung may makikitang mga produktong iligal na ibinebenta. RNT