‘Di susunod sa indoor face mask policy, didisiplinahin ng DILG

‘Di susunod sa indoor face mask policy, didisiplinahin ng DILG

September 8, 2022 @ 11:09 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government nitong Miyerkules na ang mga local government units na hindi sumusunod sa patakaran ng national government sa paggamit ng face masks indoors ay didisiplinahin.

“Next time around kung meron naman diyang gagalaw, sinabi nga ni [Health Department officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire] about the indoors, we really have to implement this one. Talagang disiplinahin na natin yan,” Interior Secretary Benhur Abalos said at a public briefing.

Ang pahayag ni Abalos ay ukol sa mga posibleng aksyon laban sa Cebu City government, na noong nakaraang linggo ay inalis ang mandatory mask rule sa labas.

Noong Miyerkules, sinabi ng Malacañang na inirekomenda ng IATF na ang pagsusuot ng face mask sa labas ay gawing opsyonal sa pagtatapos ng taon, ngunit binigyang-diin na hindi pa ito patakaran. RNT