‘Di tugmang bilang ng boto, epekto ng misencoding – Comelec

‘Di tugmang bilang ng boto, epekto ng misencoding – Comelec

May 20, 2022 @ 7:40 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ang 1.2 porsyentong mismatch rate na naitala ng isang poll watchdog sa parallel vote counting nito ay dahil sa “misencoding.”

Sinabi ito ni Commission on Elections (Comelec) acting spokesperson John Rex Laudiangco, nitong Huwebes kung saan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ay nakapag-encode na ng mahigit 60,000 sa halos 80,000 pisikal na kopya ng election returns (ERs) na natanggap nito hanggang sa kasalukuyan.

Sa ngayon sinabi ni Laudiangco na nakatanggap na ang PPCRV ng halos 80,000 election returns at mula sa 80,000 election returns at ang match rate sa mga na-encode na sa mahigit 60,000 ay 98.88 percent.

“Again, the 1.22 percent that is being accounted for, ang (their) projection po nila (is) it’s on account of misencoding,” ayon pa kay Laudiangco.

May 500,000 indibidwal ang nagboluntaryong makipagtulungan sa PPCRV sa pagpapatunay nito ng mga boto noong May 9 national and local elections.

Ang mga boluntaryo sa PPCRV command center at the University of Santo Tomas sa Manila ang responsable para sa encoding ng bilang ng ERs para sa beripikasyon

“It’s on account of their volunteers failing to read properly the number because they are already tired,” said Laudiangco. “Iba naman po, dahil tinutupi po ‘yung election returns ‘di ba ‘yung strip, maaaring hindi nila mabasa ‘yung mga exact figures, nagkakamali.”

Gayunman, sinabi ni Laudiangco na habang habang titingnan ng PPCRV ang usapin, kumpiyansa ang poll body na ito ay malulutas din.

“Then again, the procedures laid out by the PPCRV works… They would go back to that manual encoding. They would go back to the physical ER. They would re-validate. They would re-process,” sabi pa Laudiangco.

Kumpiyansa naman ang Comelec na ang lahat ng isyu, mula sa 80,000, humigit-kumulang 300 ERs na may kaunting mismatch ay nareresolba pabor sa 100 percent match rate. Jocelyn Tabangcura-Domenden