Belmonte administration bags more awards, recognition

November 3, 2022 @1:09 AM
Views: 1,067
THE Quezon City government under the leadership of Mayor Joy Belmonte continues to get accolades and awards locally and internationally, the latest of which is the 2022 Seal of Good Local Governance award from the Department of the Interior and Local Government.
“We are humbled and honored by the DILG’s recognition. This would further inspire the city government to work even harder to further improve our governance and enhance the delivery of services to our constituents,” she said.
Established by virtue of Republic Act 11292, the Seal of Good Local Governance is an award, incentive and recognition-based program for all local government units (LGUs) to continually progress and improve their performance in the following areas:
Financial administration; disaster preparedness; social protection and sensitivity program; health compliance and responsiveness; programs for sustainable education; business friendliness and competitiveness; safety, peace and order; environmental management, tourism, heritage development, culture and arts; and youth development.
Also, the city government bagged several awards from DILG-National Capital Region during the 2022 Urban Governance Exemplar Awards.
It likewise obtained plaques of recognition for being top performers under the Liquid Waste Management Cluster and under the Informal Settler Families Cluster and for its exemplary performance in the delivery of services for children in 2019 and 2021.
It has been likewise recognized for being moderately compliant to the 2022 assessment of LGUs compliance with Manila Bay Clean-up, Rehabilitation and Preservation Program; and for getting a functionality rating in the 2022 Local Peace and Order Council Performance Audit covering 2019 and 2021, and an ideal rating in the 2022 Local Council for the Protection of Children Functionality Audit.
The QC government emerged as the No. 1 city in the Philippines in terms of local revenue generation for the fourth straight year, and for this reason, obtained a Hall of Fame award from the Department of Finance-Bureau of Local Government Finance.
Mayor Belmonte and City Treasurer Edgar Villanueva received the award from the DOF-BLGF during a ceremony at the Philippine International Convention Center.
For Fiscal Year 2021, the local government earned P22.9 billion in revenue from real property tax, business tax and other taxes, such as amusement, transfer, and contractors, among others, according to City Treasurer Villanueva.
The honor was the fourth in a row, gaining it a spot in the Bureau’s “Local Revenue Generation Hall of Fame”, a new award category for LGUs that have consistently been one of the Top 10 National Awardees for three consecutive years.
Kilusan ng Nagkakaisang Pilipino inilunsad

July 21, 2022 @8:31 AM
Views: 576
ISANG grupo ng mga mambabatas, mga dati at kasalukuyang opisyal ng lokal na pamahalaan, at mga makataong grupo ang naglunsad ng pagkilos para suportahan ang panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na pagkakaisa at tanggihan ang pulitikal na pagkakawatak-watak upang makamit ang mithiin ng pamahalaang magkaroon ng pagunlad.
Ang grupo na tinaguriang Kilusan ng Nagkakaisang Pilipino ay lumantad sa publiko sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Marquee Tent, Edsa Shangri la Hotel na dinaluhan nina dating Senate President Vicente Sotto III, Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos na biniyayaan naman ni Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos.
Kabilang sa mga bumubuo ng grupo sina Rep. Rida Robes ng San Jose del Monte City, Bulacan, Divina Grace Yu ng Zamboanga del Sur, Luisa Lloren Cuaresma ng Nueva Vizcaya, Richard Gomez ng 4th District ng Leyte, Johnny Pimentel ng Surigao del Sur, Toby Tiangco ng Navotas. Rosanna “Ria” Vergara ng Nueva Ecija at Bacolod City Mayor Alfredo Abelardo Benitez.
Kasama rin sa naturang event ang dalawang provincial chief executives na sina Governors Dakila Cua ng Quirino at Joet Garcia ng Bataan. Gayundin sina Jocelyn Limkaichong (1st District, Negros Oriental) at Aurelio “Dong”Gonzales (3rd District, Pampanga). Henry Villarica, Meycauayan City; Myca Elizabeth R. Vergara, Cabanatuan City; Sonny Collantes, Tanauan City; Roderick Tiongson, Bulacan; Emi Calixto, Pasay City; at Tyrone Agabas, Tayug City.
Sinabi ni Sec. Abalos na siyang tagapagsalita na ang pagbuo ng grupo ay tugon sa panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na pagkakaisa at pagtanggi sa pagkakawatak-watak ng pulitika sa bansa.
Aniya, mariin ang sinabi ni Pangulong Marcos, Jr. na “we are here to repair a house divided…to make it strong again in bayanihan way. Our coming together is our response to the President’s clarion call for unity. KNP is immediately formed to formalize that movement to solidify (our) platform for cohesive, inclusive and unified action for national economy and sustainable development.”
This movement acknowledges no political boundaries. Everybody who cares for the welfare of the Filipino people is welcome, especially those who are committed to support President Marcos’s formula of unity in achieving what is best for this country,” ayon kay Bacolod City Mayor Alfredo “Albee” Benitez, KNP convenor.
Nilinaw naman ng bumubuo ng KNP na hindi ito pagkilos pulitikal kundi isang socio-civic movement na naglalayong abutin ang lahat ng sektor ng lipunan hanggang sa mga katutubo.
Ayon naman kay Rep. Robes, “All we want is toe the group to be inclusive and united in pursuit of a better Philippines”.
“Ito po ay tugon sa panawagan ng pangulo –ang magbuo ng isang kilusan at pagalingin ang malalim na hidwaan ng pagkakawatak-watak…Ang kilusan ng Nagkakaisang Pilipino ay isang kilusan, samahan, ugnayan at tagpuan ng lahat ng Pilipinong nagmamahal sa bansa at naghahangad ng tagumpay at pag unlad ng buhay ng bawat Pilipino,” dagdag pa niya.
“What happened today is only the beginning of a bigger plan to expand the organization. Today we are 200. Next month, 2,000…and in the days to come 20,000 to 200,000 to 2 million to twenty (million) and beyond. The growth is exponential until we embody our vision of a truly unified nation.” sabi pa ng kongresista.
Layunin din ng grupo na makintal sa kaisipan ng marami ang isang pamahalaan ang isang pagbabago.
We are here to affirm our unwavering and full support to President Ferdinand Marcos jr.—in his call to collectively work for a better Philippines for all Filipinos regardless of political conviction, religion, motivations and creed,” pahayag pa niya.
Sinundan naman ni Nueva Ecija 3rd District Rep. Rosanna Vergara ang naturang panawagan at sinabing ang inilunsad na bagong samahan ay grupo ng nagkakaisang Filipino na naglilingkod para sa mas maunlad na Pilipinas.
“Ito ay para sa lahat at lahat ay kasama—walang iwanan. It is for everyone and everyone is welcome. Magkaiba man ang ating pinaggalingan, and ating mga pananaw—nagkakaisa tayo sa layunin at mithiin, dagdag pa niya. RNT
MONUMENTO NI KIETH ABSALON SA MASBATE

June 16, 2022 @5:15 PM
Views: 290
NITONG nagdaang linggo, pinasinayaan na ang monumento sa Masbate Sports Complex para sa football star na si Kieth Absalon, isang 21 anyos na binatang walang ibang hangarin kundi mapalawig pa ang kakayahan sa larangan ng palakasan.
Ngunit nasayang lamang ang buhay nang kitilin ng mga halang ang kaluluwang komunistang-teroristang New People’s Army (NPA), ang armadong unit ng Communist Party of the Philippines – National Democratic Front (CPP-NDF).
Isang taon na ang nakalipas mula nang pasabugan ng mga walang hiyang NPA ang biktima ng itinanim nitong anti-personnel mine sa dinaanan nina Kieth na sakay ng kanila bisikleta kasama ang kanyang mga kaanak na ikinamatay din ng kanyang pinsan na si Nolven.
Matapos pasabugan ay pinuntahan pa ng mga NPA ang mga katawan ng mga biktima upang siguruhing patay na ang mga ito. Nang nakitang may buhay pa habang nakabulagta at taas kamay na nagmamakaawa ay pinagbabaril pa sila sa tiyak na kamatayan.
Ito ba ang ating mga dapat kausapin pang muli para humarap sa usaping kapayapaan? Mga taong mali ang paniniwala at nakapipinsala. Sila ba ang dapat pa nating unawain?
Palagay ko’y hindi na. Ang iniwan na lang nilang pasakit at kalungkutan sa mga naulila ng kanilang biktima, ay ‘di na malilimutan. Hindi na hinaharap ang mga taong ganito, upang pag-usapan pa ang kapayapaan.
Kitang kita sa mga pangyayari ‘di lamang sa sinapit nila Kieth at Nolven, kundi sa marami pang buhay na nawala, ang dala ng lagpas limangpung taon nang panggugulo ng CPP-NPA-NDF.
Ang susunod na administrasyon na nangakong itutuloy ang mga nasimulan ng Administrasyong Duterte na makipaglaban at makipagsabayan sa mga komunistang-terorista ay dapat nang tuparin upang matiyak na ang paghahari-harian ng CPP-NPA-NDF ay tunay na magwakas na.
Wala nang ibang paraan kundi ang lipulin ang mga hunghang na ito na pahirap lamang sa bansa.
Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!
MANDARAYANG GASOLINAHAN SA QUEZON CITY

June 9, 2022 @5:36 PM
Views: 421
NAKAKAGIGIL talaga ang walang habas na pagtaas ng presyo ng langis at iba pang produktong petrolyo katulad na lang nitong Martes kung saan mahigit P6 ang itinaas ng presyo ng krudo habang mahigit P2 sa presyo ng gasolina at kerosene.
Siyempre sa pagtaas ng presyo ng langis, kasunod na nito ang pagtaas ng presyo ng iba pang pangunahing bilihin.
Ang masakit lang, tumaas na nga ang presyo ng produktong petrolyo, marami pang negosyante ang sa halip na makaunawa sa sitwasyon ay nagsasamantala pa.
Batid ng mga may-ari ng gasolinahan na sasamantalahin ng mga may sasakyan ang pagpapakarga ng krudo at gasolina noong Lunes dahil nga sa papataas ang presyo ng mga ito pagtuntong ng Martes.
Pero ang ilang may-ari ng gasolinahan ang nagsamantala sa sitwasyon. Hindi na sila nagbenta ng krudo kahit pa 24 oras ang kanilang operasyon.
Noong Lunes bago maghatinggabi, hinapit ng inyong PAKUROT sa ilang Shell Gasoline Station sa Quezon City sa paghahanap ng mas mababang presyo ng krudo at discount na P2 kada litro kapag may Shell app sa mobile phone.
May mga nakitang mura ang inyong lingkod subalit walang P2 discount sa Shell app sa halip at bonus points lang kaya hanap nang hanap ang inyong lingkod kaya’t nakarating sa Shell D.Tuazon corner N.S. Amoranto.
Kumpletos rekados naman sila! Medyo mababa ang presyo ng krudo at may P2 discount kapag may Shell app sa mobile phone at points pero ang masaklap ‘di na sila nagbebenta ng krudo. Ayon sa gasoline boy, ubos na raw. Ha? Parang hindi naman. Lahat ng krudo, ubos? Weeh, di nga?
Kahinahinala naman at parang yung gasoline boy eh ayaw magsinungaling, napipilitan lang na magsabi na ubos na ang krudo nila. Dapat imbestigahan ng Quezon City Business Permit and Licensing Division (QC-BPLD) at Department of Trade and Industry (DTI) ang ganitong mga business na nananamantala.
Mabuti na lang at hindi katulad ng gasolinahan na yun ang Shell Gasoline Station sa D.Tuazon corner E. Rodriguez kung saan mas mura na ang produktong petrolyo, mababait at maasikaso pa ang mga empleyado. Sana all!
DOH sa publiko: Humingi ng bagong VaxCertPH code

February 7, 2022 @7:02 PM
Views: 766