Diaz, Naranjo engaged na,  nakatanggap ng barbell-shaped na diamond ring

Diaz, Naranjo engaged na,  nakatanggap ng barbell-shaped na diamond ring

October 17, 2021 @ 6:04 AM 1 month ago


MANILA, Philippines — Kumpiyansa si  Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella na sasabak si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz sa 2024 Paris Games kahit pa engaged na ito.

“I think it will not affect her decision,” ani Puentevella ilang sandali matapos ianunsiyo ni Diaz ang kanyang engagement kay conditioning coach Julius Naranjo na binigyan siya ng barbell-shaped diamond ring sa Resorts World Manila.

“On the other hand, I hope she makes it to Paris,” wika pa ni Puentevella.

Hanggang ngayon ay wala pa ring desisyon ang 30-year-old na si Diaz kung sasabak pa ito sa isa pang Olympic event sa Paris kahit pa nakatakda itong lumahok sa World Championships sa Tashkent, Uzbekistan sa December, Hanoi SEA Games at Hangzhou Asiad sa susunod na taon.

Nitong Sabado, tumulak na si Diaz an Naranjo papuntang Malaca, Malaysia, para mag-ensayo sa para sa  Tashkent tilt.