Dibdib ng dalagita sinalbabida sa pool; binatilyo himas-rehas

Dibdib ng dalagita sinalbabida sa pool; binatilyo himas-rehas

February 17, 2023 @ 7:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – KULONG ang isang 4th year high school student nang lamasin nito ang magkabilang dibdib ng dalagita sa ilalim ng swimming pool sa isang resort sa Quezon City, Huwebes ng hapon.

Kinilala ang dinakip na Omar Jay Barcena, 18 anyos, 4th year high school student, nakatira sa Maligaya Park, Brgy. 177, Caloocan City.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Pasong Putik Proper Police Station 16, bandang 3:30 ng hapon (Pebrero 16), nang maganap ang insidente sa Aquaboy Resort na matatagpuan sa No. 10 Oriole, Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Q.C.

Sa imbestigasyon ni PSSG Joanna Martinez ng Women and Children’s Protection Desk, naliligo umano ang biktima kasama ang mga pinsan sa swimming pool nang mula sa ilalim ay lumangoy ang suspek na noon ay lasing at biglang nilamas ang magkabila niyang dibdib.

Agad na umahon ang dalagita at isinumbong sa mga opisyal ng barangay ang pangyayari dahilan upang arestuhin ang teenager.

Nahaharap sa kasong ang Acts of Lasciviousness ang binatilyo. Jan Sinocruz