Dibdib ni Julia, muntik nang mag-hello!

Dibdib ni Julia, muntik nang mag-hello!

September 6, 2022 @ 8:54 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Marami ang napanganga kay Julia Barretto sa red carpet premiere night ng pelikulang Expensive Candy sa kanyang outfit na halos lumuwa na ang kanyang dibdib. Naganap ang malaking event ng Viva Films sa SM The Block Cinema 3.

Donned with a sexy black sleeveless tops na sobrang baba ng cleavage, marami ang nagsabi na baka lumuwa ang kanyang boobs kapag gumalaw siya ng extreme.

Nakausli na kasi ang pisngi ng kanyang mga dibdib na kaunting galawan na lang ay siguradong makikita na ang tuktok ng mga kabundukan.

Naka-skirt din ng maikli sii Julia with black stockings kaya naman head turner talaga siya habang rumarampa sa red carpet.

Gaya ng pinangako ng Viva ay naging bold and daring nga si Julia sa pelikula. Kakaibang Julia nga ang lumabas sa bawat eksena kaya naman hindi mapigilan na mapatili ang kanyang friends and families na nanood kapag may mga sexy moves siya sa pelikula.

Kasama rin ni Julia sa premiere night ang kanyang leading man na si Carlo Aquino ganu’n din ang direktor ng pelikula na si Jason Paul Laxamana.

Palabas na ang Expensive Candy on September 7. JP Ignacio