DICT humingi ng tulong sa NTC upang magamit ng libre ang DepEd Commons

DICT humingi ng tulong sa NTC upang magamit ng libre ang DepEd Commons

May 7, 2020 @ 5:14 PM 5 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Humingi ng tulong ang Department of Information and Communications Technology (DICT) upang siguruhing hindi magkakaroon ng data charges ang mga gagamit ng online education platform ng Department of Education’s (DepEd).

Nagkaroon ng libreng access sa DepEd Commons ang mga mag-aaral at mga guro nitong Abril.

Sa isang sulat, inindorso ng DICT sa National Telecommunications Commission (NTC) ang proposal ni Education Secretary Leonor Briones na nananawagan ng suporta sa telecommunication providers kagaya ng PLDT-Smart at Globe.

Attached agency ng DICT ang NTC.

“The continued provision of access and connectivity to DepEd Commons is essential to the government’s continuous delivery of public education services to learners, teachers, and other users,” ayon sa liham ni DICT Secretary Gregorio Honasan II.

Mahigit 2.6 milyong users ang naka-access sa platform sa gitna ng quarantine period dahil sa banta ng coronavirus disease 2019, ayon sa DepEd.

“Access to materials and resources for learning and education during these times is critical to preparing our children for the future, which is why the DICT fully supports ICT-enabled initiatives for education, like the DepEd Commons,” giit ni Honasan.

“DepEd’s initiative is one that brings us much closer to transitioning to a ‘new normal’. [T]he DICT will assist DepEd in realizing its vision of enabling our students to continue with their education, despite the current situation,” dagdag pa nito

Naunang inanunsyo ni Education Secretary Leonor Briones na sa Agosto 24 ang pagbubukas ng klase sa taong 2020-2021. RNT/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...