DICT magtatayo ng 15K free Wi-Fi sites sa 2023

DICT magtatayo ng 15K free Wi-Fi sites sa 2023

December 26, 2022 @ 1:13 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Target ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na magtayo ng mahigit 15,000 libreng Wi-Fi sites sa 2023.

Ito ang sinabi ng Malacañang nitong Lunes, Disyembre 26.

Ayon sa Palasyo, layon ng planong ito na mapabuti ang digital infrastructure ng bansa at manghikayat ng mga mamumuhunan.

“Under its digital infrastructure thrust, the DICT plans to complete the Broadband ng Masa’s Luzon Bypass Infrastructure (LBI) Phase 1 in the first half of 2023, launch more than 15,000 free Wi-Fi sites, and improve satellite connectivity with Starlink and Satellite Systems Providers and/or Operators (SSPOs),” pahayag ng Palasyo.

“To promote investments, the Digital Cities Program will set up Information Technology and Business Process Management (IT-BPM) locations in 31 cities by 2025 to generate jobs in the countryside,” dagdag pa.

Hindi naman tinukoy kung saan-saan na mga lugar itatayo ang libreng Wi-Fi sites. RNT/JGC