Diego at Barbie, split na?

Diego at Barbie, split na?

January 3, 2022 @ 1:36 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Christmas and New Year are the most wonderful time of the year, ‘di ba?

‘Di lang ang mga pami-pamilya ang nagpi-pictorial, kundi pati ang mag-sweetheart pa lang! Todo-todo ang pictures na ipino-post ng mga pamilya at magdyo-jowa tuwing most wonderful days of the year.

Nu’ng Pasko at nitong New Year’s Day, walang ipinost na pictures together ang mag-sweetheart na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial. Biglang-bigla, parang ‘di na sila magkakilala.

Last Christmas, Diego shared a photo celebrating the special occasion with the family of celebrity couple Billy Crawford and Coleen Garcia.

Nu’ng New Year’s Day, ang in-upload ni Diego ay solo pictures n’ya.

Samantala, si Barbie naman ay biglang  cryptic (mahiwaga) ang mga post. At nag-post pa si Barbie ng sexy solo pic n’ya.

“New year new hair,” she wrote as caption. “jk happy new year everyone (heart emoji).”

Sabi namqn ng mga netizens:

“San si bie? Magkagalit ba kayo? Kahit greetings niyo nung Christmas and now new year wala.. my probs po Ba kayo?”

“Di naman siguro sila hiwalay ni barbs.. Baka choice nila. To spend Christmas and new year with family  and friends.”

A few weeks pa before Christmas ‘yung last post nila na magkasama.

Very fiercely in love pa sa isa’t isa ang mag-jowa nu’ng time na ‘yon.

Kung ‘di na nagpapalitrato nang magkasama sina Diego at Barbie, ibig sabihin nu’n ay ‘di na rin sila magka-live in.

Sa outfits nila sa marami sa mga post nila, halata namang magka-live in sila. Halata rin ‘yon sa linya minsan ni Diego kung saan ang sabi nito ay touched na touched siya na ginagawaan siya ni Barbie ng kape sa tuwing pag-gising nila sa umaga.

Kung walang third party sa biglang pagdilim ng relasyon nila, malamang ay nagsawa na sila agad sa isa’t isa. Madaling mangyari sa kanila ang ganu’n dahil napaka-passionate nila for each other. They were fiercely in love. At nag-burn out na sila. Danny Vibas