Diego at Franki, may twinning na tattoo!

Diego at Franki, may twinning na tattoo!

June 13, 2022 @ 1:26 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Inuurot ng ilang mahadera at katikatera si Diego Loyzaga dahil todo deny ito noon na may relasyon sila ng ex-PBB housemate na si Franki Russell.

Sa latest na pag-iimbestiga kasi ng mga Marites, napansin nila na pareho ang tattoo ng dalawa.

Dahil dito, lalong lumakas ang sapantaha na officially a couple na sina Diego at Franki.

Sa kanyang Instagram account nga, pinutakti si Diego ng ilang netizens sa pagsasabing may resibo na nga ay tigas pa sa pagtanggi ang actor.

Pinagdududahan din nila ang pralala ng actor na close friend lamang niya si Franki dahil sa kumalat na sweet photos nila together na pinagpiyestahan ng mga sawsawera.

Patola naman si Diego nang sabihing ang dami palang mga mosang na nag-aala-Sherlock Holmes o nag-eespiya sa kanila.

Ayaw din siyang tantanan ng detractors sa pagsasabing isa siyang playboy na napakabilis na magpalit ng jowa na parang damit lang.

Hirit pa ng isa, bakit daw patuloy na nagde-deny pa ito gayong meron namang ebidensiya.

Resbak naman ni Diego sa netizen: “Ano ang gusto mo, kasal na kami?”

Sa pag-guest naman ng actor sa Monster Radio RX 93.1, dito ay inamin na niya ang real score sa kanila ni Franki.

Aniya, nasa dating stage na raw sila at ipokrito raw siya kung hindi niya aaminin na nagkliklik ang kanilang personalidad ni Franki.

Dahil dito, marami tuloy ang nagtatanong kay Diego sa pagkambyo nito sa pagde-deny sa dating PBB housemate na ngayon ay dine-date na niya. Ano raw ba talaga, kuya? Make up, your mind. Archie Liao