Diego, chill lang sa bardagulan nina Barbie at Debbie!

Diego, chill lang sa bardagulan nina Barbie at Debbie!

November 5, 2022 @ 10:37 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Maraming netizen ang nagtatanong kung ganoon na raw ba kapogi si Diego Loyzaga para pagselosan ng ex-girlfriend nitong si Barbie Imperial si Debbie Garcia na humantong pa sa pisikalan sa isang bar sa Quezon City.

Tulad ng naiulat, sinampahan ng tatlong kaso ni Debbie si Barbie.

Nagsalita na rin si Debbie na out of respect daw ay siya ang unang lumapit kay Barbie para bumeso noong magkita sila sa Tipsy Pig Gastropub.

And the rest is history, ‘ika nga.

Kasabay nito’y ipinagdiinan ni Debbie na walang namagitan sa kanila ni Diego contrary to speculations.

Magkaibigan lang daw sila, even after they did the movie The Wife na ipinalabas noong isang taon.

Samakatwid, wala raw dahilan si Barbie na pagselosan siya.

Unfair daw na sabihing nang-agaw siya ng nobyo ng may nobyo.

Since si Diego ang ugat ng nangyaring bardagulan kina Barbie at Debbie ay hinahanap tuloy ang aktor.

Napag-alamang nasa Bohol pala ito at nagbabakasyon nang maganap ang insidente.

Pero even then, maano raw bang nag-isyu si Diego ng statement in defense of Debbie na kapwa Viva artist din?

Mabuti raw at naaatim ni Diego na parelax-relax lang habang may isyu sangkot ang dati niyang nobya at fellow Viva star.

O ninanamnam ni Diego ang feeling na pinag-aawayan siya ng dalawang babae?

Male chauvinism, that is! Ronnie Carrasco III