Diego, nagpakita ng puwet sa pelikula!

Diego, nagpakita ng puwet sa pelikula!

January 24, 2022 @ 9:44 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Pwede na palang sabihing may Vivamax  Nude Boys Club na, at ang latest member ay si Diego Loyzaga.

Ang mga orihinal na miyembro ng samahan ng mga hubadero ay sina

Sid Lucero (“Silip Sa Apoy,”  “Reroute”), Paolo Gumabao (“Silip Sa Apoy,” “Sisid”), Sean de Guzman (Hugas, Mahjong Nights,Taya, at Nerisa), Marco Gomez (House Tour), at Marco Gumabao (My Husband, My Lover).

Kasali na sa listahan si Diego dahil may butt exposure siya sa love scene nila ni Cara Gonzales sa The Wife.

Ang nasabing pelikula ay sa direksyon ni Denise O’Hara at ang talagang bidang babae sa pelikula ay si Louise de los Reyes.

May mga nagsasabing kaya lang pumayag si Diego na maghubad at ipakita ang butt ay dahil nga babae naman ang direktor n’ya. ‘Di pa malinaw kung ang ibig sabihin nito ay ‘di maghuhubo’t hubad si Diego kung bading ang direktor n’ya.

Pero may mga nagsasabi rin na parang nasa character naman talaga ni Diego na with the right story and right director, itatambad talaga n’ya sa camera ang sarili n’ya na walang saplot. Mahilig kasing maglabas ng pics si Diego sa Instagram na naka-trunks o underwear lang siya. O nakatapis lang ng tuwalya.

Kapuna-punang mga anak din ng mga dating artista ang mga miyembro ng Vivamax Nude Boys. Anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga si Diego.

Si Sid ay anak ng yumaong Mark Gil sa model-parttime actress na si Bing Pimentel.

Anak naman ng nakabilanggong si Dennis Roldan sina Marco Gumabao at Paulo Gumabao. Magkaiba ang mga ina nila.

Nasa Amerika si Diego ngayon, nagbabakasyon. Virtual lang naman ang press conference para sa The Wife kaya nakasali ru’n si Diego.

Hindi n’ya kasama si Barbie Imperial na mukhang hindi na talaga n’ya girlfriend. Wala siyang pahayag na miss na miss na n’ya si Barbie.

Ang sabi lang n’ya ay kahit gustohin man ni Barbie na sumama sa kanya, ‘di siya makakasama. Walang pagkabalisang ibinalita ni Diego na walang US visa si Barbie. Danny Vibas