Diego, umaming stressful ang naging relasyon kay Barbie?

Diego, umaming stressful ang naging relasyon kay Barbie?

April 13, 2022 @ 5:50 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – As a compliment tinanggap ni Diego Loyzaga ang komento ng isang netizen na pumopogi siya, lalo ngayong he’s unattached.

Huling nabalitang girlfriend ng aktor ay si Barbie Imperial.

At a basketball event  in Cebu huling namataan si Diego.

Layunin ng event na ‘yon na kumbinsihin ang mga undecided na botante to elect a certain candidate.

Base nga sa mga posted pictures ni Diego ay obyus na maaliwalas ang kanyang aura.

Sinang- ayunan niya ito by saying, “Stress- free.”

Doon na nag-conclude ang mga netizens na stressful pala ang pagkakaroon ng nobya tulad ni Barbie.

Earlier, inamin ni Barbie na she gave Diego a time allowance sa pag-asang babalikan siya nito.

Apparently, it appears na siya ang kinalasan ng anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Pero no Diego Loyzaga came back in the arms of Barbie.

Kung pagba- basketball ang piniling outlet ni Diego as his means to move forward from the breakup, Barbie has turned to improving herself physically.

Weeks ago, Barbie posted her red-colored hair, sabay sabing siya raw ang babaeng sinayang ni Diego. Ronnie Carrasco III