Diego, wapakels sa away ng mga magulang!

Diego, wapakels sa away ng mga magulang!

February 21, 2023 @ 2:40 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Mismong si Teresa Loyzaga na ang nagkumpirmang hindi sila on speaking terms ni Cesar Montano.

Si Teresa or Tong to her close showbiz friends ay dating nakarelasyon ni Cesar.

Si Diego ang kanilang anak.

Kinoroboreyt naman ni Diego ang pahayag ng ina.

Oo nga raw at may mga pagkakataong nagkikita ang dating magkarelasyon pero nagpapalitan lang daw ng hi and hello ang mga ito.

Never was there a time when Cesar and Teresa sat together para mag-usap.

At nauunawaan daw ‘yon ni Diego dahil aniya, ayaw niyang pilitin ang kanyang mga magulang to kiss and make up.

Diego understands full well that either party finds it awkward to strike a conversation, “dahil ano naman ang pag-uusapan nila?”

Okey na raw ang Viva actor sa setup ng kanyang mga magulang.

Dagdag niya, “Sino ba namang anak ang ayaw makitang magkasundo ang mga magulang niya? Pero kung happy sila na magkaaway sila, eh, ‘di happy sila. Now kung happy naman sila na magkabati sila, eh, ‘di happy sila.”

Hindi raw maaaring ikumpara ni Diego ang sitwasyon ng kanyang mga magulang sa nangyayari ngayon sa pagitan ng ama at ng kanyang Tita Shine.

Ang Tita Shine na tinutukoy ni Diego ay si Sunshine Cruz.

Matatandaang taong 2013 nang umabot pa sa korte ang problema ng noo’y mag-asawang Cesar at Sunshine to the point na pinagtalunan din nila ang child custody ng kanilang tatlong anak.

Taong 2021 lang nang maging maayos sina Cesar at Sunshine, with the latter expressing her joy over their blended family.

Ani Diego, hindi pa raw ngayon ang time when Teresa will experience the same thing although she gets along well with Sunshine.

Inamin din ni Diego na maging silang mag-ina have their differences.

“For example, if I say I think this certain thing is blue, my mom says, ‘No, I think it’s green’,” mga ganoong bagay.

Sabi nga, reconciliation happens in God’s perfect time. Ronnie Carrasco III