Diether Ocampo sumalpok sa garbage truck, himalang nakaligtas

Diether Ocampo sumalpok sa garbage truck, himalang nakaligtas

February 4, 2022 @ 9:25 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Himalang nakaligtasĀ  ang aktor na si Diether Ocampo nang sumalpok ang sinasakyang Sports Utility Vehicle sa isang garbage truck sa Makati City kaninang madaling araw.

Mabilis na naisugod si Ocampo ng rescue team ng Red Cross sa ospital matapos mailabas sa wasak niyang SUV na sumalpok sa garbage truck na pansamantalang nakatigil dahil naghahakot ng basura sa southbound lane ng OsmeƱa HiWay bandang 1:00 ng makahatinggabi kanina.

“Parang nagreresist siya, parang ayaw magpadala, ayaw magpakuha sa mga Red Cross,” sabi ng Bgy. Pio del Pilar bantay bayan na si Joey Alicante.

Ayon naman sa garbage collector, narinig niya ang malakas na lagabog sa likuran ng trak kaya tiningnan niya, at agad na tumawag ng pulis nang makitang sinalpok sila ng SUV. Dave Baluyot