Digital concert handog ni Morissette sa ika-10 taon sa showbiz

Digital concert handog ni Morissette sa ika-10 taon sa showbiz

July 16, 2021 @ 4:34 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Masayang ibinahagi ng singer na si Morissette Amon ang kanilang paghahanda sa kanyang digital concert.

Sa isang post ipinakita ng singer sa kanyang Instagram account na kasama niya ang kanyang mga manager na sina Audie Gemora, designer at stage manager Ed Lacson, ang kanyang fiancé na si Jason Max na music video director, at musician na sina Dave Lamar, musical director Adonis Tabanda.

Nakilala ang kanyang pangalan noong siya ay sumali noong 2010 isang patimpalak na “Talentadong Pinoy at sunod nito ay ang pagsali niya sa “The Voice of the Philippines” kung saan mas tumunog ang kanyang pangalan sa industriya.

Sa sampung taong niya kinilala siya sa tawag na “Asia’s Phoenix”  matapos umabot na sa iba’t ibang bansa ang kanyang mga naging tagahanga.

Napasama rin siya sa isang grupong tinatawag na Birit Queen’s sa ASAP kung saan kasama niya sina Angeline Quinto, Klarisse de Guzman at Jona Viray.

Sa Oktubre naman gaganapin ang nasabing digital concert ayon sa KTX.ph. matapos nila ilabas ang isang larawan ng singer na may tagline na, “She has MOR songs to sing, MOR stories to tell, and MOR people to inspire.”

Inaabangan na lang ng mga fans ni Morissette ang paglalabas ng mismong araw at kailan magbebenta ng ticket para sa nasabing concert. RNT/Ten Fernandez-trainee


  •  
  •  
  •