Digital governance susi sa paglago ng ekonomiya – DBM

Digital governance susi sa paglago ng ekonomiya – DBM

November 23, 2022 @ 12:12 PM 5 days ago


MANILA, Philippines – Palakasin ang digital governance sa bansa upang maipagpatuloy ang paglago ng ekonomiya.

Iyan ang nakikitang paraan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na sinabi niya kasabay ng Mindanao League of Local Budget Officers (MLLBO) Annual Conference and Seminar sa Zamboanga City nitong Lunes, Nobyembre 21.

Kasunod nito ay sinabi ni Pangandaman na ang ekonomiya ng Pilipinas ay lumago ng 7.6% mula Hulyo hanggang Setyembre na mas mabilis sa 7.5% sa ikalawang bahagi ng 2022.

Itinuro ni Pangandaman ang paglago ng ekonomiya sa pagbubukas ng maraming negosyo kasabay ng magandang tax performance.

“We hope to sustain this growth, if not surpass it, and we believe that enhancing our digital governance will play a crucial role in achieving this,” sinabi ni Pangandaman.

“Since the beginning of my term as Secretary, the institutionalization of budget reforms and digitalization of our public financial management or PFM have always been my top priorities. In the same manner, enhancing bureaucratic efficiency and sound fiscal management is highlighted in our 8-point Socioeconomic Agenda,” dagdag pa niya.

Ani Pangandaman, ang pagtutok sa digital infrastructure ay susi upang mapabuti pa ng pamahalaan ang revenue collection nito, na naghihikayat din sa transparency at accountability pagdating sa public funds.

“As a testament to our commitment to ensuring a clean and efficient bureaucracy, we have allocated some PHP12.47 billion in the 2023 Proposed National Budget for the digitalization of government services,” aniya.

Paulit-ulit na ipinunto ni Pangandaman ang kahalagahan ng paglilipat sa e-governance ng pamahalaan upang mapabuti ang pamumuhay ng mga Filipino.

Matatandaan na sa kauna-unahang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Hulyo ay hinikayat niya ang Kongreso na ipasa na ang proposed E-Governance Act. RNT/JGC